Announcement

Collapse
No announcement yet.

Household Power Monitoring and Power-On-Delay

Collapse
X
  • Filter
  • Time
  • Show
Clear All
new posts

  • Household Power Monitoring and Power-On-Delay

    Magandang araw mga kaPHM.Nais ko lang po ibahagi sa inyo itong project ko. 2 years ago na po ito nung nagdecide kami ng asawa ko na magpagawa ng bahay. Ako na po ang maginstall ng electrical wirings and conduits syempre pati na rin ang electrical panel/distribution board.

    Isa po sa daing ng mga taga calatagan batangas ay ang madalas na brownout. Ang mas nakakainis ay off-on-off-on (about 5sec to 1min interval) muna ang power bago tuluyang magshutdown. Ganun din ang nangyayari pag babalik na ang power, mag on-off-on-off muna din muna bago tuluyang magstabilize. Parang christmas light lang hehehe. Kaya naisip ko na instead na lagyan ko ng power-on delay ang ilang mahahalagang appliances, ay lagyan ko na lang ng power-on delay ang buong bahay namin.

    I decided to use arduino dahil meron naman ako arduino Uno kit. But since medyo overkill ang arduino para sa isang power-on delay project lang, naisipan ko na din maglagay ng voltage, current, power, power factor monitoring (realtime lang, no saving algo for now). Also added humidity and temperature sensor, real-time clock, buzzer, and pushbuttons. I used a nokia 48x84 pixels monochrome LCD. For the ac voltage sensing, i used a stepdown transformer and use dividers para ibaba ang voltage sa safe level para ipasok sa arduino IO. Then i used current transformer split core type for ac current sensing.

    These are my reference links:
    https://openenergymonitor.org/emon/buildingblocks
    https://openenergymonitor.org/emon/b...energy-monitor
    https://openenergymonitor.org/emon/b...s-introduction
    https://openenergymonitor.org/emon/b...-power-adapter

    2-wire system po ang power distribution sa lugar namin. 1 line for neutral and 1 line for ~220V (live). Wala akong makitang single pole na din rail type na breaker sa hardware stores kaya pumunta ako directly sa meiji store/showroom sa QC. Dun ko na po binili lahat ng kailangan ko like magnetic contactor, manual transfer switch, single pole breakers, 2-pole breaker and panel board.
    schematics

  • #2
    I design the schematic diagram of the controller. Then i worked on the pcb design. Etching and assembly comes next. Sunod naman ay testing na and minor tweaks sa mga resistor values especially dun sa voltage and current sensing section. Yung voltage sensor ko ay stepdown transformer 220v to 12v and divider network para 5v (max) lang and papasok sa microcontroller (atmel) pin. Yung current transformer ko naman eh hindi ko na maalala kung saan ko nakuha. Matagal ko na syang nakikita sa aking box at naisip ko na pwede ko syang gamitn sa project ko sa halip na bumili pa ako. Kaya i did some tweaking pa dahil iba ang mga components ko versus dun sa openenergymonitor website. but the principle is just the same. After testing and being confident that the circuit is ok, i started coding. i also used the library from the openenergymonitor website para sa calculation ng apparent and true power at power factor. nasa library na rin yung conversion ng analog to digital galing sa mga sensors ko. All i have to do is to get those values then display it on the lcd.

    Here is how my code works:
    Kapag nagkaroon ng power (after a blackout), mago-on na yung control circuit. it will then sense if the voltage is stable (between 200v to 240v). it will continue to poll and do nothing until the voltage falls between these values. kapag nasatisfy na yung condition, then it will start the 1-minute countdown (parang sound ng bomb sa counter strike ).

    Comment


    • #3
      continuation...

      kapag natapos na yung countdown, the circuit will turn on the onboard relay. this reley will then trigger the magnetic contactor. this contactor is also like a big relay and turning it on means power is supplied to the entire house. mallit lang po ang bahay namin kaya mababa lang po ang current rating ng mga breaker ko hehehe. ididisplay naman ni controller yung vaoltage, current, true power, apparent power, power factor, time, date, temperature and humidity. naglagay din pala ako ng proximity sensor sa panel board para iilaw lang ang backlight ng lcd kapag mag tao sa harap ng panel. i read the sensors every 2 seconds. sa loob ng code, chinecheck nya lagi kung mag fall below 200v ang voltage or lumampas ng 240v and ung current sa buong bahay ay hindi dapat lalampas ng 32A. if any of this is satisfied, io-off ni controller ang contactor para maputol ang supply sa bahay. and kapag nasense nya na 200-240 na ulit ang voltage ay magcocountdown ulit sya para ibalik ang power.

      Comment


      • #4
        continuation...

        naglagay din ako ng pushbuttons. 1 green and 1 red. pwedeng pindutin ang green kung naiinip na maghintay na matapos ang countdown. halimbawa kapag may pinapanood ka sa tv na ayaw mo mamiss, pwede ng ipress ang green para mabypass ang countdown. kung gusto naman na i-off ang power sa bahay without pulling the breaker, pwedeng ipress ang red button. inilagay ko sa medyo mababa para accessible sa kahit na sino (kahit bata, wag lang sana paglaruan) lalo na kung may fire or electrical hazard.

        Comment


        • #5
          wala pong data logging na nagaganap dahil sa kasamaang palad ay hindi na ako naglagay ng eeprom sa controller. yun po ang idadagdag ko pag may time ulit ako magdesign. kung may logging sana ay pwede mamonitor ang power consumed for a period of time pati na din ang cost hehehe. nice to have sana. pero anyway nagawa ko naman po ang main purpose ko na power-on delay para sa aming bahay. Pasensya na din po at kaunti lang ang photos ko.

          Comment


          • #6
            rsurnet, brownout is also a big problem here in south cotobato due to the el nino which is why the home automation system i am working on for my house must have this functionality to monitor and control the stability of AC when it is restored.

            if your interested, we can collaborate on our project :-) ... you can text me on my smart bro mobile number ( +63-947-0511218 ) so as we can exchange email address and exchange information as to how we can have some synergy in development of our project. looking forward to your feedback ... cheers

            Boo!
            Last edited by Boo-Semi-Retired; 04-06-2016, 07:23 AM. Reason: remove the special character

            Comment


            • #7
              Boo-Semi-Retired please email me at rsurnet@bitmicro.com or you can pm me here at phm. im willing to collaborate with you sir.

              Comment


              • Boo-Semi-Retired
                Boo-Semi-Retired commented
                Editing a comment
                got it thanks ... cheers

                Boo!

            • #8
              Hi Boo,

              Paki message na lang din po ako dito sa thread kapag naemail nyo na ako. im not sure kung makakapenetrate ang email nyo sa corp email ko. Pag minsan kasi nafifilter yung ibang emails from outside. Pwede nyo din po ako email sa rsurnet@yahoo.com.ph

              Comment


              • Boo-Semi-Retired
                Boo-Semi-Retired commented
                Editing a comment
                ok, noted ... cheers

                Boo!

              • Boo-Semi-Retired
                Boo-Semi-Retired commented
                Editing a comment
                i just sent the email to both your email address ... cheers

                Boo!

            • #9
              Here's a photo of the display. i used an old acrylic sheet and white sticker paper for masking.
              Last edited by rsurnet; 04-08-2016, 08:52 AM.

              Comment


              • #10

                Comment

                Related Articles

                Collapse

                Collapse
                • Filter
                • Time
                • Show
                • New Topics
                Clear All
                new posts
                No content found
                Show More
                • Filter
                • Time
                • Show
                • New Topics
                Clear All
                new posts
                Please log in to your account to view your subscribed posts.

                Related Articles

                Collapse

                Working...
                X