Announcement

Collapse
No announcement yet.

FIY: Starter Inspection/Repair

Collapse
X
  • Filter
  • Time
  • Show
Clear All
new posts

  • FIY: Starter Inspection/Repair

    Hello uli mga bossing, chief,sarge, kuya, ate, sir, madam,....

    May problema ba ang starter ng inyong kabayo?
    Kadalasan eto mga problema ng mga starter:
    1. Makupad rumedondo. kung minsan parang asong nagulantang kapag naistart na ang makina.
    2. Click lang. walang redondo ang starter.
    3. Rumeredondo ang starter pero hind kumakapit sa flywheel (ayaw umikot ang makina)
    4. basta hindi swabe. hehe

    Ipagpalagay natin na mahusay ang makina at ibang sistema pwera starter, pwes, eto ang para sa iyo kaibigan. Hindi mo na kelangan pa iasa sa mga tao kung tawagin ng karamihan ay "Starter/Alternator Specialist". Kung tutuusin madali lang ang repair. Pwera Rewinding ha. hindi na sakop ng aking nobela iyan.

    Una, kelangan mo muna tanggalin ang starter sa makina. Kadalasan, mahirap abutin ang lokasyon ng mga mounting bolts ng starter. Kelangan dito e contortionist na pangangatawan. hehe

    Dalawa ang klase ng starter motor na ginagamit sa mga sasakyan. Mayron tayong direct drive at gear reduction. Mas malakas ang pwersa ng gear reduction kesa direct drive. Isa pa, mas malakas kadalasan ang kelangan na starter para sa mga automatic transmission kesa manual transmission. Sa ngayon, Gear Reduction type starter motor ang ating usapan.

    Eto ang hitsura at partes ng gear reduction starter motor.  non-planetary type.  may planetary gear pa kasi. heto naman ang electrical connection Tanggalin ang 2 through bolts

  • #2
    pasensya na hindi ata maganda ang sizing ng aking litrato..check ko muna kung ano mali ko sa litrato

    Comment


    • #3
      Susunod ay tanggalin ang yoke-field coil-carbon brush assembly para sa continuity tests. dapat continuous ang reading (zero ohms) sa pagitan ng 2 carbon brush na konektado sa field coil. non-continuous (infinity) naman dapat sa pagitan ng yoke housing at sa 2 carbon brush na konektado sa field coil.

      kung salungat ang isa sa mga reading gaya ng zero ohms sa pagitan ng field coil wire at yoke/housing, palit or rewind yung field coil. disposable etong field coil na nasa starter ng kabayo ko kaya bumili na lang muna ako ng surplus na starter para may mapagkahuyan pako ng ibang pyesa.

      pwede rin naman bumili na lang ng brand new replacement kaso halos made in china. ni kahit made in korea man lang na brand new, mahirap hanapin.

      Comment


      • #4
        Sunod naman ang armature coil. dapat infinity sa pagitan ng armature coil at commutator. continuous (zero ohms) naman dapat sa bawat segment ng commutator. yung right side ng armature ang commutator. dito nagra-"ride" ang 4 na carbon brushes.

        kung mapapansin nyo yung armature sa litrato, tanggal na yung insulating varnish. palit na rin kung ganito ang hitsura ng armature. icheck din yung magkabilang bearing kung may sayad. icheck din kung straight pa yung ikot ng armature. depende sa problema, maaring palit bearing lang o kaya armature.

        Comment


        • #5
          sunod ay icheck kung may bungal yung ngipin ng gear reduction assembly. grasahan kung kinakaylangan. yung gear reduction/overruning clutch ay konektado rin sa magnetic switch. tinutulak ng magnetic switch yung overruning clutch para magengage sa flywheel (manual trans) o kaya sa flex plate (auto trans) ng makina sabay sa ikot ng armature.

          Comment


          • #6
            ibalik lahat ng piyesa! wag kalimutan din pala na icheck kung mahusay pa ang insulation ng field coil...pasensya na hindi ko ito napictyuran.

            Comment


            • #7
              Test drive mo na ang starter.

              1. +12 volts sa battery terminal (cable with red handle clamps)
              2. +12 volts battery terminal to solenoid "S" terminal (yellow cable)
              3. Earth ground connection (battery negative) to starter body (cable with black handle clamps)

              Safety precaution: magsuot ng safety glasses at gloves. malay natin. atsaka ihuli mo ang koneksyon sa starter body (battery negative) para hindi malapit sa battery ang sparks. baka kasi sumabog ang battery sa konting sparks lang.

              sa pagkakaalam ko sa starter na ito e series wired, kaya kung sakali mabaliktad ang koneksyon ng positive at negative e ganun pa rin ang rotation. pakirecheck na lang kung tama ang pinagsasabi ko mga bossing tungkol sa pagreverse ng ikot ng starter. pero para san ba kelangan ang pabaliktad na ikot ng starter?

              Comment


              • #8
                ayan lang muna mga ka-PHM. madali lang di ba. hehe...salamats

                Comment


                • #9
                  Hi Miked, gayahin mo si Eric the Car Guy sa youtube.

                  Comment


                  • #10
                    Originally posted by bmac View Post
                    Hi Miked, gayahin mo si Eric the Car Guy sa youtube.
                    hehe... di keri ng powers ko yan kuya. wala akong "Dingdong" appeal.... Bruho mars lang.

                    Comment


                    • #11
                      ganda ng tut mo bossing ...kaso ang liit lang ng mga pictures ... anyways salamat sa pagshare dami ko natutunan dito

                      Comment

                      Related Articles

                      Collapse

                      Collapse
                      • Filter
                      • Time
                      • Show
                      • New Topics
                      Clear All
                      new posts

                      • Tekinex
                        started a topic Airconditioning guide

                        Airconditioning guide

                        Hi guys. Im kinda new in this forums but i am in an airconditioning company for a long time.

                        Here is my views and opinions in a/c since it...
                        See more | Go to post
                        Last edited by Tekinex; Today, 01:03 AM. Reason: Ongoing Updates regarding a/c and questions will be entertained

                      • Tekinex
                        started a topic Looking for various materials

                        Looking for various materials

                        Im looking for various raw materials for my small projects this summer. Below are the list of raw materials needed.*

                        -Clear Casting Resin...
                        See more | Go to post
                        Last edited by Tekinex; 03-20-2017, 03:04 AM. Reason: Will start a small workshop soon if it turns out well.
                      No content found
                      Show More
                      • Filter
                      • Time
                      • Show
                      • New Topics
                      Clear All
                      new posts
                      Please log in to your account to view your subscribed posts.

                      Related Articles

                      Collapse

                      Working...
                      X