Forum

Share:
Notifications
Clear all

Brake Job DIY

15 Posts
3 Users
0 Reactions
52 Views
(@miked)
Posts: 440
Reputable Member
Topic starter
 

Hello mga kuya! eto na naman ako para sa aking susunod na nobela. ang nangyari e binalik ko sa stock specifications ang brake master cylinder, pinalitan ang load sensing proportioning valve (LSPV), nagpalit ng brake hoses at pinilit gumawa ng double flared steel brake line.

Pagpasensyahan nyo na yung sizes ng mga litrato dahil nadidistort kapag ginagawa kong 640 x 480 ang karamihan ng mga litrato. siguro dahil sa angulo ng pagkuha ko gamit ang aking telepono.

eto ang trabaho. Yung naipalit ko kasi last time eh master cylinder na pang L300 na hiwalay ang reservoir at iba rin ang configuration ng primary and secondary circuit ng master cylinder. Kung papansinin sa litrato eh yung primary piston ay konektado sa front brakes at yung secondary piston ay sa rear brakes.
[IMG][/IMG]

[IMG][/IMG]

Ang stock configuration ay:
Primary piston sa Rear brakes
Secondary piston sa Front brakes

Konting impormasyon tungkol sa hydraulic circuit ng mga master cylinder:

Ang primary piston ay mechanically actuated ng driver habang ang secondary piston ay hydraulically actuated by the primary piston.

Saka lang nagkakaroon ng mechanical contact ang primary sa secondary piston kapag nagkaroon ng leaks sa primary circuit, etc. Yun yung pakiramdam na biglang tumalon ang puso mo at pinagpawisan ng malamig nang bumaon bigla ang brake pedal. Dahil eto ay nangyari ito sa akin netong nagdaang buwan lamang...hehehe

OK kunin uli ang ating kikoy kit...Regular handtools at konting special tools lang naman kelangan dito.
Ang mga ito ay ang mga sumusunod:
Strongly recommended special tools ay ang digital vernier caliper (para madali ang pagsukat), flare nut/hydraulic line fitting wrench (size 10 mm yung mga inverted nuts nung sasakyan ko),
Double flaring tool (dahil double flared o bubble flared ang mga linya ng preno), yung tubing bender (KD tools nabili ko ng P800 lang dito samin), tube forming pliers (eastwood courtesy of Sir JayL) at mga hydraulic fittings (M10x1 kadalasan sa mga Japanese cars) at 3/16 steel brake line
[IMG][/IMG]

At yung mga alak na kakaylanganin:
Ang paborito kong Wurth Sabesto Brake cleaner at Prestone brake fluid....atsaka madami rin tubig panglinis ng mga tagas sa ilalim ng sasakyan.
[IMG][/IMG]

 
Posted : 07/01/2014 2:04 pm
(@miked)
Posts: 440
Reputable Member
Topic starter
 

Re: Brake Job DIY

Eto yung ipapalit kong piyesa: NABCO OEM master cylinder 15/16 MB587560 (PhP7k) sa may Calamba, Laguna at yung LSPV MB618321 ay PhP6.5k sa Mitparts Banawe...plus yung ibang parts and consumables pa gaya ng fluids, fittings, at hoses...

[IMG][/IMG]

Ang LSPV ay makikita kadalasan sa mga pickups, vans, auvs, at suvs lalo na yung mga walang ABS. Mayron din ang mga kotse kaso hindi sya load sensing type. Ang gamit po neto ay para iadjust ang pressure sa rear brakes. Kapag huminto ang sasakyan ay nagkakaroon ng weight transfer papunta sa harap. Kung ganon eh gumagaan sa likod. habang pagaan ng pagaan ang likod e nababawasan ng kapit ang gulong sa likod at tumataas ang tsansang mag-"fishtail" ang sasakyan lalo na kung hard panic braking. kapag magaan ang sasakyan eh konting pressure ang ibibigay sa likod para hindi maglock ang mga gulong. Kapag kargado na sasakyan ay itataas ang brake pressure sa likod.

kung gusto mo ng mura eh hatiin mo lang ang presyo pero hindi tumatagal ang mga murang replacement. kung preno din lang usapan, go OEM dahil ang brakes ay mas importante sakin kesa sa malakas na makina. walang kwenta ang malakas na makina kung di mo naman ito mapipigilan ng tama.

Safety precaution lang para sa sasakyan dahil malakas kumain ng pintura ang brake fluid.
[IMG][/IMG]

Sya sige, andami ko pang satsat. simulan ko na

Tanggalin ang koneksyon ng mga linya gamit ang flare nut wrench para hindi bumilog ang mga flare nuts. Kapag luluwagan o hihigpitan ang mga flare nuts, mainam gumamit ng line wrench.

[IMG][/IMG]

Pwedeng magshift ka na sa regular open end wrench kapag ito ay naluwagan na para mas malaki din ang igagalaw ng liyabe. Tanggalin din ang 2 nuts na nagkokonekta ng master cylinder sa vacuum/booster unit a.k.a hydrovac.

Buti na lang nagdesisyon akong palitan na ang master cylinder dahil nagleleak na rin pala ito sa may vacuum booster. Kadalasan kapag nagbabawas ng brake fluid pero wala kang makitang tagas sa labas eh dito tumatagas.
[IMG][/IMG]

 
Posted : 07/01/2014 2:27 pm
(@miked)
Posts: 440
Reputable Member
Topic starter
 

Re: Brake Job DIY

Pagkatapos linisin ang vacuum booster eh yung inaayawan ko nung nagaaral ako: MATHEMATICS...pero simpleng minus at plus lang naman gagawin natin. hehe

Mainam na makuha ang datos para sa iyong sasakyan.. buti na lang mayron akong nadownload para sa aking sasakyan. Kasi kung wala, *** ang mangyayari. Trial And Error.:p

Una, Sukatin ang brake pedal free play. Tanggalin ang carpet o matting dahil yung metal floor ang basehan natin dito. kapag wala sa specs eh iadjust ang free play sa may nuts na nasa ilalim ng dashboard (sa loob din ng sasakyan).
[IMG][/IMG]

Sunod ay ang clearance sa pagitan ng push rod na nakausli sa may vacuum booster at ang primary piston ng master cylinder.
[IMG][/IMG]

[IMG][/IMG]

ang isang problemang nakita ko dito eh kapag may gasket maaring mapitpit ito kapag isinalpak mo na Master cylinder. kapag ganon, eh apektado na rin ang clearance sa pagitan ng pushrod at primary piston ng MC.

 
Posted : 07/01/2014 2:36 pm
(@miked)
Posts: 440
Reputable Member
Topic starter
 

Re: Brake Job DIY

Sukatin ang mga sumusunod gamit nung depth function ng vernier caliper.

STEP 1:
Measurement A: magmula sa rim papunta sa tenga ng master cylinder
[IMG][/IMG]

Measurement B: magmula sa rim papunta sa cavity ng primary piston. I-subtract mo na lang dito yung thickness ng straightedge.
[IMG][/IMG]

1st formula:
B - A = Clearanc3 "C"

STEP 2
Gamit ang isang straightedge at vernier caliper pa din

Measurement D: magmula sa edge ng straightedge (hehehe) papunta sa dulo ng pushrod
[IMG][/IMG]

Measurement E: sukatin ang width ng straightedge
[IMG][/IMG]

Then apply, 2nd formula:
D - E = Clearance "F"

Finally, use 3rd formula para sa clearance sa pagitan ng pushrod at primary piston:
Clearance "C" - Clearance "F" = Pushrod to primary piston Clearance

Ideally, zero clearance dapat.

Kung may interference naman eh, sarado agad ang compensating port ng MC. Ibig sabihin, hindi pa naapakan ang brake pedal eh kumagat na ang brakes.

Kung maluwag naman ang clearance, masyadong mahaba ang brake pedal travel bago kumagat ang preno. Maari din wala nang extra travel in case magleak ang isang circuit. Pedal to the metal agad nang walang braking effect!!!

Pero ayon sa internet search ko sa mga ibat ibang klase ng sasakyan eh nasa neighborhood ng one (1) millimeter ang clearance.

 
Posted : 07/01/2014 2:54 pm
phezthie
(@phezthie)
Posts: 107
Estimable Member
 

Re: Brake Job DIY

sorry sir miked, my bad...akala ko tapos na yung post mo napasingit tuloy ako...

to admins/mods: paki delete nalang this post para mas maganda yung presentation ni sir miked...

again, my apologies..

 
Posted : 07/01/2014 3:09 pm
(@miked)
Posts: 440
Reputable Member
Topic starter
 

Re: Brake Job DIY

yung old settings na nasukat ko approximately 2 mm yung clearance. kaya nung nagleak eh halos wala nang matirang extra pedal travel.

hindi pa dito nagtapos ang aking kalbaryo. kinailangan ko pang gawan ng panibagong linya dahil iba yung configuration dati. Gumamit ako ng solid copper wire para ma-simulate yung takbo ng brake lines.
[IMG][/IMG]

madaming youtube videos kung papano magdouble flare kaso madaling magcrack sa may flared part ang steel ayon sa aking experience. Hindi ko na naisip na iheat treatment yung dulo ng steel tube baka sakaling mas madaling idouble flare. try ko na lang sa susunod itong annealing treatment.

Mataas ang frustration level ko sa paggawa ng double flare sa steel tubings. hindi ko mabilang sa kamay kung nakailang errors ako dito.wala problema sa copper tube kaso ayoko gumamit neto hanggat maaari. Kaya sa kaya ng copper tube ang pressure ng hydraulic brakes pero hindi ito kasing resistant ng steel laban sa cracking due to vibration. So far, wala pa naman ako naeexperience o nababalitaan na nagcrack na copper tube. Pero ito yung mga kaso na kung tawagin eh "Low probability, High consequence".

Isa pang problema eh walang brake tube seat yung secondary circuit ng master cylinder gaya nung nandito sa litrato galing sa site nato: https://www.musclecarresearch.com/gm-pd-valve-tube-seats-1

Dahil ang kelangan ay yung "Y" distribution block kagaya nung nakalagay sa litratong ito galing sa ebay: http://www.ebay.com/itm/MITSUBISHI-MIGHTY-MAX-BRAKE-MASTER-CYLINDER-AND-RESERVOIR-2-4L/221350163273?_trksid=p2047675.m1850&_trkparms=aid%3D222002%26algo%3DSIC.FIT%26ao%3D1%26asc%3D11%26meid%3D3942999889320010937%26pid%3D100011%26prg%3D1005%26rk%3D1%26rkt%3D3%26sd%3D321269908983%26

May nahanap akong fitting sa surplusan kaso gusto ng tindahan bilhin ko buong master cylinder. Aanhin ko naman kako yung brake master e meron nako bago. Buti may binebentang brake tube seat sa auto supply sa halangang P10 lamang.

 
Posted : 07/01/2014 3:10 pm
(@miked)
Posts: 440
Reputable Member
Topic starter
 

Re: Brake Job DIY

itesting din ang brake fluid level sensor. magnetic type ata to. simpleng resistance/continuity tests lang naman kapag pinagdikit mo ito.
[IMG][/IMG]
[IMG][/IMG]
[IMG][/IMG]

Pasensya na mga bossing, CD-R king (at Newstar) pa lang ang aking multitester. pero nagana naman ng maayos. isa rin sa wishlist ko yung mga mamahalin AC/DC clampmeter.
[IMG][/IMG]

 
Posted : 07/01/2014 3:23 pm
(@miked)
Posts: 440
Reputable Member
Topic starter
 

Re: Brake Job DIY

isang teknik (o remedyo) kapag ang brake hoses na nabibili ay hindi eksaktong sangayon sa dating hose eh gilitan mo ng konti ang metal section para magkaroon ng slot para sa hose clips. dahan dahan lang baka matira mo ito hanggang sa threads. wala naman akong nakikitang masama dito (sana) bastat makapal kapal pa bago sa threaded portion ng fitting.
[IMG][/IMG]
[IMG][/IMG]

At ang FINISHED PRODUCT!!!
[IMG][/IMG]

kung may mali man sa aking ginawa ay pakisabi na lamang po sakin. sana ay nagustuhan nyo ang aking munting nobela. maraming salamat.

hanggang sa susunod muli nating pag-uusap.

nagmamahal,

miked.

hihihi

 
Posted : 07/01/2014 3:30 pm
(@miked)
Posts: 440
Reputable Member
Topic starter
 

Re: Brake Job DIY

P.S. Pahabol lang: mainam na gumamit ng rubber gloves na manipis. hydrophilic ang brake fluid...hindi lang ang tubig sa hangin ang aakitin nito kundi pati rin tubig sa inyong katawan (kamay) kapag naexpose kayo neto. tatanda ang kutis kung ganun. hehe

kaso madali kasing mapunit yung mga surgical gloves na nabibili sa drugstores. yung nitrile rubber na pang automotive work sana maganda kaso mahirap hanapin. kapag yung regular cloth working gloves eh masyado namang makapal at hindi mo mahawakan mga maliliit na pyesa.

 
Posted : 07/01/2014 3:34 pm
(@miked)
Posts: 440
Reputable Member
Topic starter
 

Re: Brake Job DIY

abogado phezthie, ipost nyo na yan. kahit installment ok na.

 
Posted : 07/01/2014 3:36 pm
phezthie
(@phezthie)
Posts: 107
Estimable Member
 

Re: Brake Job DIY

Nakakahiya bro, hindi kasing instructional yung ginawa namin unlike dito sa presentation mo.. kung baga, pang brag lang sakin ...hehehe

P.S. Pahabol lang: mainam na gumamit ng rubber gloves na manipis. hydrophilic ang brake fluid...hindi lang ang tubig sa hangin ang aakitin nito kundi pati rin tubig sa inyong katawan (kamay) kapag naexpose kayo neto. tatanda ang kutis kung ganun. hehe

you're right bro.. i learned this the hard way kaya lang sa paa naman, naka slippers lang ako pag naggagawa. na infection ako me sugat pala ako di ko napansin nung mabuhusan ako, two days din ako pinahirapan hehehe

PS. yung post ko above, pa delete po para di nakasingit... TIA

 
Posted : 07/01/2014 3:51 pm
(@miked)
Posts: 440
Reputable Member
Topic starter
 

Re: Brake Job DIY

^ok lang yun sir.

 
Posted : 07/01/2014 4:42 pm
(@miked)
Posts: 440
Reputable Member
Topic starter
 

Re: Brake Job DIY

isa pang pahabol tungkol sa aking nobela: akin din napansin na nagfi-flex yung firewall ng sasakyan. kaya pala di matanggal tanggal yung mushy pedal feel. next time iadjust ko uli yung clearance. reduce ko pa para macompensate yung flexing ng firewall.

 
Posted : 07/01/2014 4:52 pm
bugel
(@bugel)
Posts: 1131
Noble Member
 

Re: Brake Job DIY

Nice presentation bro..kaya pala nangungulubot yung kamay ko pag matagal ng nakababad sa fluid,hehe..next time I wear gloves na..parang pepper spray din yan pag natilansikan ka sa mata,nabiktima rin ako nyan ansakit! Miked l200 ba wheels mo? Parang pamilyar sakin eh..

Sent from my iPad using Tapatalk

 
Posted : 08/01/2014 8:56 am
(@miked)
Posts: 440
Reputable Member
Topic starter
 

Re: Brake Job DIY

^kamaganak ng L200 brader. late 80s model, single cab nga lang tapos automatic transmission. subic import ito. pero all parts are practically the same with L200 and at yung iba parehas sa L300/L400/Pajero...

been thinking na ibenta na rin ito once makompleto ko na yung other repairs na kelangan. lumalaki na rin pamilya at kelangan komportable ang mag-ina ko kapag bumibyahe. so far so good. hindi makalampag ang body as well as the suspension/steering. isa pa, hindi nga mafigure out dati ng mga bihasang mekaniko dito samin kung bakit ayaw maengage yung overdrive. buti nafigure out ko (with the help of internet resources, syempre). ngayon 4-speed na unlike before na 3-speed lang. hehe

 
Posted : 08/01/2014 9:16 am
Share: