Forum

DIY: Clutch Disc Re...
 
Share:
Notifications
Clear all

DIY: Clutch Disc Replacement

23 Posts
7 Users
0 Reactions
208 Views
(@miked)
Posts: 440
Reputable Member
Topic starter
 

para sa mga uninitiated or sa mga gustong sumubok, pampalakas ng loob.

Ang siste eh pagisplitin ang makina at transmission para mapalitan ang clutch pero bago natin magagawa yun mga sistah eh may mga hakbang munang gagawin.

kunin muna ang mga tinatawag nating PPE. gloves, dust mask, safety shoes, pantalon at malaking tulong din ang knee caps sa DIY na ito.

Ang sasakyang aking ginawa ay halos parehas lamang sa mga rear driven (or 4WD) longitudinal engine orientation.

yung Willys jeep 4wd vehicle ng biyenan ko ang involved dito. bale ako lang gumawa nito. talagang DIY at mahirap din ng walang fafang alalay.

Una, kunin ang inyong kikoy kit (tools) at tanggalin ang floorboard cover plate.
[IMG][/IMG]

at tanggalin ang main gear speed selector at transfer case levers (if equipped).
[IMG][/IMG]

Tanggalin ang rear propeller shaft (at front shaft kung meron)...natanggal kasi dati yung sa harap nito habang tinatahak ko nun ang EDSA. buti keri ko lang nun ang repairs.
[IMG][/IMG]

tapos alinsunod sa teknikal manual ay tanggalin ang mga eto nasa larawan sa ibaba...
[IMG][/IMG]

 
Posted : 30/07/2013 10:34 pm
(@miked)
Posts: 440
Reputable Member
Topic starter
 

Re: DIY: Clutch Disc Replacement

pero bago tanggalin ang crossmember bolts ay yung mga ibang nakakonekta sa makina at transmission kagaya ng....

Clutch linkage assembly
[IMG][/IMG]

at tanggalin na mga bolts and nuts na nagkokonekta sa makina at bellhousing ng transmission....PITA yung mga top bolts. halos nagcramps mga kamay ko sa kakatanggal.
[IMG][/IMG]

tawagin na sina manong jack de buwaya at botelya

at ilagay ang isang jack sa ilalim ng makina at dalawa (para mas safe) sa transmission. ang transmission ng jeep na ito ay gawa lahat sa matigas at malutong na...........cast iron (pundido). hehe. ang nagpabigat ng husto sa tranny na ito ay ang transfer case. maliit lang ang transmission neto kung tutuusin. tsaka 3 speed transmission lang po ito.

ang teknik na aking ginamit ay: IBABA ang (salawal, biro lang!) transmission ng konti lang at inabante ang buong sasakyan hanggat nagdivorce na sina makina at transmission. ganito rin ang teknik na aking ginagamit sa mga traktora nun. pero kung may chain block ka ay eh di mas madali ang buhay at makina na lang tatanggalin mo.
at dahan dahang ibaba ang transmission...mag-ingat, maari kang maiipit o madaganan.
[IMG][/IMG]

 
Posted : 30/07/2013 10:46 pm
(@miked)
Posts: 440
Reputable Member
Topic starter
 

Re: DIY: Clutch Disc Replacement

ngayong napaghiwalay na, suutin ang iyong respirator or dust mask dahil malamang sa malamang lahat ng clutch disc, brake parts at iba pang kaparehas na friction materials ay may lamang ASBESTOS...

linisin ang buong clutch pressure plate ng brake cleaner (wag gumamit ng compressed air para hindi maging airborne ang asbestos dust). ginamit ko dito ay kung wurth sabesto brake cleaner sa halagang P250 lamang.

kapag nalinis na ay lagyan ng "ALIGNMENT MARKS" sa pressure plate at flywheel para bumalik ang dating balanse kapag ibabalik na ang mga pyesa.
[IMG][/IMG]

pagkatanggal ng clutch assembly ay ito ang bumungad sakin na nagpatotoo sa aking hinala...nanghihinang tumakbo ang jeep na ito at may "pedal pulsation". may tama ang pressure plate. pudpod na rin ang clutch disc. kinain ng rivets ang pressure plate
[IMG][/IMG]

pero buti na lang itinabi ko pa yung pinagpalitan dati na pressure plate pero hindi na pupwede ang release fingers nito. kapag hindi kasi pantay ang adjustment ng release fingers ay masisira ang mga ito o ang release bearing. kapag inapakan ang clutch pedal at umingay ay malamang release bearing ang may kadalasang sira.
[IMG][/IMG]

dahil walang budget sa bagong pressure plate na napakamahal, ipinalit ko yung lumang pressure plate. buti nakabili ako ng mga clamps na ganito dahil arbor press ang kelangan para sa procedure na ito.
[IMG][/IMG]

 
Posted : 30/07/2013 11:06 pm
(@miked)
Posts: 440
Reputable Member
Topic starter
 

Re: DIY: Clutch Disc Replacement

inspect din ang flywheel kung may tama pero buti na lang walang "score marks" o "grooves". mga mantsa lang. inspect din ang pilot bearing kung maluwag, etc. ang silbi ng pilot bearing ay para suportahan ang transmission input shaft.
[IMG][/IMG]

inspect din ang release bearing at input shaft. palitan kung kelangan. mas maigi kung palitan na rin ang release bearing. selyado ang mga eto kaya hindi pwede irepack.
[IMG][/IMG]

sunod ay eto na kung saan ako nagtagal: ang adjustment ng release fingers. diko alam kung yung digital caliper ko nagpatagal sakin o yung mismong pagpihit ng turnilyo. napaka accurate kasi ng digital caliper eh. buti hindi ako umabsent sa iskwela nun...hehe
importante dito ay pantay lahat ng fingers. hmmmmmm...iba ata naisip ko bigla. hehe...
at kelangan hindi rin naka-engage ang release bearing kapag hindi nakaapak sa clutch. dapat may at least 1/16 inch na clearance sa pagitan ng release bearing at fingers. kaya wag kakalimutan ang parating sinasabi nina erpats na "DO NOT STEP OR RIDE THE CLUTCH PEDAL"....yung pedal freeplay na 1 inch ay napakalaki ang epekto sa clutch disc.
[IMG][/IMG]

 
Posted : 30/07/2013 11:17 pm
(@miked)
Posts: 440
Reputable Member
Topic starter
 

Re: DIY: Clutch Disc Replacement

MGA PAALALA:
1. kelangan ng alignment tool para sumentro ang clutch disc sa flywheel at pressure plate.

2. kelangan irecheck ang distansya ng mga release fingers kapag ito ay naisalpak na sa flywheel.

3. kelangan pa ng matinding powers dahil mas mahirap ang pagkabit ng mga pyesang binaklas. whew! ipahinga ang katawan kung kinakailangan.

IBALIK kung anuman ang binaklas.

ang final adjustment sa clutch ay sa pedal freeplay na sa pamamagitan ng clutch control cable sa larawan. yung ibang sasakyan ay yung twin locking nuts ng mga cable-actuated clutch. maari ding may stop bolt sa may clutch pedal. kung hydraulically-actuated ay sa stopper bolt or adjustable push rod sa slave cylinder.
[IMG][/IMG]

paandarin na ang sasakyan at ishift sa lahat ng gears kung papasok lahat ng hindi tumatakbo.
[IMG][/IMG]

[IMG][/IMG]

ayan, umiikot na buong assembly...weeeeeeee!!!
[IMG][/IMG]

 
Posted : 31/07/2013 12:06 am
(@miked)
Posts: 440
Reputable Member
Topic starter
 

Re: DIY: Clutch Disc Replacement

nga pala, ang ginamit ko na alignment tool sa clutch eh gawa sa kahoy lamang. hindi ko na napiktyuran dahil nagmamadali akong matapos dahil malapit na bumuhos ang malakas na ulan nung weekend.

PAHABOL NA ABISO: kelangan din tanggalin ang starter motor bago paghiwalayin ang trans at makina.

ayan, itest drive mo na sarge!!!
[IMG][/IMG]

 
Posted : 31/07/2013 12:30 am
(@miked)
Posts: 440
Reputable Member
Topic starter
 

Re: DIY: Clutch Disc Replacement

btw, that's my little apprentice....starring. hehe....i miss my boy.

 
Posted : 31/07/2013 12:32 am
(@quarxdmz)
Posts: 64
Trusted Member
 

Re: DIY: Clutch Disc Replacement

wow, I learned a lot from this post. thanks bro.

 
Posted : 31/07/2013 7:16 am
bugel
(@bugel)
Posts: 1131
Noble Member
 

Re: DIY: Clutch Disc Replacement

[IMG][/IMG]

So that's the willys jeep that were talking about..
Good work bro..but if im in your shoe..i definitely
Replace the pressure plate brand new..

 
Posted : 31/07/2013 1:02 pm
bugel
(@bugel)
Posts: 1131
Noble Member
 

Re: DIY: Clutch Disc Replacement

pero bago tanggalin ang crossmember bolts ay yung mga ibang nakakonekta sa makina at transmission kagaya ng....

Clutch linkage assembly
[IMG][/IMG]

Lol! Old school type of clutch mechanism..mekanikal lahat..
Bro pahatak ba yung cable para bumuka yung clutch?
Di ko rin nakita yung pork ng release bearing..i assume nasa loob
Ng bell housing yun..
Yung mga hydraulic type kasi nakalabas sa bell housing yung pork:)

 
Posted : 31/07/2013 1:21 pm
(@miked)
Posts: 440
Reputable Member
Topic starter
 

Re: DIY: Clutch Disc Replacement

oo brad bugel. release fork tinanggal ko kaya di na kita sa pics. at nasa loob nga sya ng bellhousing.

ok lang na hindi brand new pinalit ko. at least pantay ang adjustment ng release fingers at walang grooves yung naipalit. kung may mali man, eh di ayun baklas uli..exercise!

 
Posted : 31/07/2013 3:55 pm
rosy
 rosy
(@rosy)
Posts: 4307
Member
 

Re: DIY: Clutch Disc Replacement

[IMG][/IMG]

A little out of topic !!

Yeah bros, this image reminds me of when I was still a kid, my dad used to have a jeep similar to that Willy's jeep but it is the McArthur type, I think it was more easier to maintain and yes everything in that jeep was very mechanical. It has some two small stick shifts too 😎 right beside the main stick shift and I remember they call it " dual " that makes the jeep a four wheel drive when shifted or whatever. 😉

CIGWELD Weldskill 250 amp Mig Welder
AHP Alpha-TIG 200X welder
HITRONIC 300 Amp DC Inverter IGBT Welder
YAMATO 300 amp AC Stick Welder
YAMATO 200 amp DC Inverter IGBT Welder
DeWALT Chopsaw
HOBART and ESAB Welding Helmets
cloned STIHLs
MS 044 chainsaw
MS 070 chainsaw

 
Posted : 31/07/2013 10:03 pm
(@joey81)
Posts: 1098
Member
 

Re: DIY: Clutch Disc Replacement

Wow! This is beyond my powers.

Pag ganito ka-intensive ipapa-outsource ko na lang.

And I admire miked for taking the time to document his progress. I understand how difficult and time consuming it is to stop what you're doing in mid-stroke, clean hands, get the camera and take pictures.

Keep it up!

 
Posted : 31/07/2013 10:31 pm
(@miked)
Posts: 440
Reputable Member
Topic starter
 

Re: DIY: Clutch Disc Replacement

^clean hands?...what clean hands?....greasy cellphone ang alam ko sir joey. LOL

sir rosy, di na sya easy to maintain dahil pahirapan na mga piyesa na talagang pang-willys. ang parating problema sa jeep na yan ay yung starter.

 
Posted : 31/07/2013 11:19 pm
bugel
(@bugel)
Posts: 1131
Noble Member
 

Re: DIY: Clutch Disc Replacement

Bro miked original pa kaya yung tarapal nyan?(roof cover)

I remember my father says he applied candle or wax just to water proof it..
Yung willys namin dati may extra set ng control pedal sa passenger seat..

 
Posted : 01/08/2013 8:21 am
Page 1 / 2
Share: