Forum

Independent Front S...
 
Share:
Notifications
Clear all

Independent Front Suspension Overhaul: Short-Long Arm Coil Spring Suspension DIY

15 Posts
4 Users
0 Reactions
94 Views
(@miked)
Posts: 440
Reputable Member
Topic starter
 

Pampagana uli sa mga gustong magrasahan.

Ang sasakyan na ginamit ay isang mitsubishi mighty max short wheel base (a.k.a. dodge ram 50, cyclone, single cab na L200)

May post ako neto sa isang automotive forum pero gusto ko rin may sarili thread para sa komunidad ng PHM. baka makatulong. nagawa ko ito mga lampas isang taon na nakalipas...??

Huwag kalimutan ang mga PPE. Kuning ang survival kit (tools). Magagawa itong DIY na ito ng tama at may kaukulang pag-iingat kahit wala kang special service tools (SST).

Simulan na natin. eto ang itsura ng SLA suspension. makikita rin ito sa mga sasakyan kagaya ng mitsubishi l200, l300, adventure....yung iba kasi imbes na coiil spring ay torsion bar na konektado sa chassis at sa upper o lower control arm (hiace, isuzu pickups, mazda pickups, nissan pickups, etc)
[IMG][/IMG]

Ijack ang sasakyan at gumamit ng matitibay na jackstand....PAALALA: huwag umasa lamang sa jack.
Tanggalin ang gulong, brake caliper, at brake disc. itali mo lamang ang brake caliper sa chassis ng hindi nakalaylay. baka masira ang brake hose kasi.
[IMG][/IMG]

Maige na may crocodile jack ka para sa DIY na ito.

Tanggalin ang shock absorber.
[IMG][/IMG]
Sukatin din ang mga haba ng nakaexpose na threads sa strut bar bago to tanggalin para kahit papano mailapit mo sa dating settings ang caster.
[IMG][/IMG]

PAHABOL lang: tanggalin din ang koneksyon ng mga tie rod ends sa spindle....pwede mong pukpukin ng martilyo ang tagiliran ng spindle para mawala sa kapit ang tie-rod sa spindle.

 
Posted : 06/08/2013 9:51 pm
(@miked)
Posts: 440
Reputable Member
Topic starter
 

Re: Independent Front Suspension Overhaul: Short-Long Arm Coil Spring Suspension DIY

Tanggalin ang koneksyon ng strut bar sa lower control arm. kasama rin nito ang rubber damper o rubber stop para di dumikit ito sa coil spring tower.
[IMG][/IMG]

Tanggalin din ang stabilizer bar/link
[IMG][/IMG]

ok. natanggal na mga sagabal. hehe

ngayon. PAALALA: itali ng makapal na alambre ang coil spring sa lower control arm dahil may safety issue tayo dito mamya.
[IMG][/IMG]

LUWAGAN (HUWAG TANGGALIN!!!) ang mga nut sa mga balljoints (upper at lower)
[IMG][/IMG]

 
Posted : 06/08/2013 9:58 pm
(@miked)
Posts: 440
Reputable Member
Topic starter
 

Re: Independent Front Suspension Overhaul: Short-Long Arm Coil Spring Suspension DIY

PAALALA:
1. Ang coil spring ay under compression. kung ito ay kakawala ng hindi kontrolado, malaki ang tsansa nitong kagatin ka! kung wala kang coil spring compressor tool, itali ang coil spring sa lower control arm o takpan ng mabigat na tela ang buong coil spring tower.

2. huwag kalimutang maglagay ng crocodile jack sa ilalim ng lower control arm para sa karagdagang pag-iingat.

At gumamit ng tie rod fork para matanggal sa kapit sa spindle ang upper balljoint. Basahin na lamang ang nakasulat sa litrato para alternatibong paraan para matanggal ang kapit neto. Ang lower ball joint ay nakabolt-in sa lower arm. tanggalin lamang mga bolts at nuts neto para matanggal.
[IMG][/IMG]

Tanggalin na rin ang koneksyon ng spindle sa lower ball joint. PAALALA: huwa munang ibaba ang jack kapag gagawin mo ito.

Ngayon. saka mo DAHAN-DAHANG ibaba ang crocodile jack para matanggal sa pagkakacompress ang coil spring.
[IMG][/IMG]

Bago tanggalin ang upper control arm ay i-jack up mo ng konti ang lower arm at susunod na rin ang upper control arm. Saka mo ngayon tanggalin ang nut sa upper ball joint at sunod na rito ay ang upper control arm.
[IMG][/IMG]

Tanggalin na ang upper control arm. ang balljoint nito ay naka-press in sa arm. Dalhin mo na lang ito sa machine shop para matanggal ang ball-joint.
[IMG][/IMG]

 
Posted : 06/08/2013 10:07 pm
(@miked)
Posts: 440
Reputable Member
Topic starter
 

Re: Independent Front Suspension Overhaul: Short-Long Arm Coil Spring Suspension DIY

May alignment marks sa upper ball joint. alam na neto ng mahusay na technician sa machine shop o sa autoshop na bihasa dito.
[IMG][/IMG]

Tanggalin na rin ang lower control arm. ito ay konektado sa crossmember na katapat ng makina.
[IMG][/IMG]

Tanggalin ang lower balljoint.
[IMG][/IMG]

Icheck ang mga pamalit na balljoint. babala: mag-ingat sa mga mahinang klase ng mga pang-ilalim. buhay ang katapat.
[IMG][/IMG]

 
Posted : 06/08/2013 10:43 pm
(@miked)
Posts: 440
Reputable Member
Topic starter
 

Re: Independent Front Suspension Overhaul: Short-Long Arm Coil Spring Suspension DIY

Palitan na rin lahat ng mga bushings. tutal matrabaho ang pagbaklas ng mga ito. Ang rubber parts na mga ito ay ang mga sumusunod: Upper control arm shaft bushings, Stabilizer bushings, Strut bar bushings, Rubber dampers.
[IMG][/IMG]

Icheck din ang coil spring.. dapat parehas ang pitch, height at dapat ay square. may mga ibang coil spring na mas malapit ang pitch sa lower part nito. mayron din mga tapered.
[IMG][/IMG]

ibolt-in ang mga ball joints. sundin ang mga tamang torque sa lahat ng turnilyo. ayan nangodigo ako. hehe....
[IMG][/IMG]

Icheck ang mga shock absorbers kung buhay pa at parehas ang taas. dapat mag-extend ng mag-isa ang mga ito kapag kinompress mo ito.
Bago isalpak ay purgahin ito. para mapurga ang hangin, icompress ng pabaliktad at hayaang mag-extend sa patayong posisyon. kung may natrap na hangin ay maingay ang mga ito.
[IMG][/IMG]

 
Posted : 06/08/2013 10:47 pm
(@miked)
Posts: 440
Reputable Member
Topic starter
 

Re: Independent Front Suspension Overhaul: Short-Long Arm Coil Spring Suspension DIY

Iayos ang mga piyesa para mas madali trabaho.
[IMG][/IMG]

Isalpak ang upper at lower control arms bago ikabit ang coil spring. para maupo ng maayos ang coil spring sa rubber damper nito ay itape na ang rubber damper sa coil spring bago ipasok sa loob ng tower.
[IMG][/IMG]

Ipasok na ito sa tower at iposisyon ang isang jack sa ilalim ng lower control arm.
[IMG][/IMG]

ijack-up ito hanggang maari nang ikabit ang spindle. kapag hindi mag-align ang butas ng balljoint para cotter pin ay higpitan pa ito. huwag luwagan para lamang sumalpak ang cotter pin.
[IMG][/IMG]

 
Posted : 06/08/2013 10:57 pm
(@miked)
Posts: 440
Reputable Member
Topic starter
 

Re: Independent Front Suspension Overhaul: Short-Long Arm Coil Spring Suspension DIY

Importante rin na maupo ng maayos ang dulo ng coil spring sa lower control arm.
[IMG][/IMG]

Onga pala. gumamit ako ng self-locking nuts para sa lower balljoints
[IMG][/IMG]

Grasahan mo na ngayon ang mga ball joints. habang grinagrasahan mo ang mga ito ay galaw galawin ang spindle at imasahe ang rubber boot ng ball joint para mapurga ang hangin at pantay ang pagkakapack ng grasa nito sa loob.
[IMG][/IMG]

ito na rin ang tamang panahon para palitan ang mga tie rod ends, idler arms at pitman arm
[IMG][/IMG]

 
Posted : 06/08/2013 11:04 pm
(@miked)
Posts: 440
Reputable Member
Topic starter
 

Re: Independent Front Suspension Overhaul: Short-Long Arm Coil Spring Suspension DIY

Sukatin ang mga haba ng mga nakaexpose na threads sa tie rods para kahit papano maibalik mo sa dating settings nito.
[IMG][/IMG]

Ito ang isang ehemplo ng remedyo sa makalampag na tie rods....pukpok method. dapat palit ang mga ito kapag maluwag na. baka pagkabig mo sa kaliwa, sa kanan pumunta. hahaha
[IMG][/IMG]

Ibalik na lamang ang mga ibang piyesa. simpleng 1,2,3 na po lamang ang mga ito.
[IMG][/IMG]

Irecheck ang haba ng nakaexpose na thread sa strut bar para maibalik kahit papano ang caster.
[IMG][/IMG]

 
Posted : 06/08/2013 11:08 pm
(@miked)
Posts: 440
Reputable Member
Topic starter
 

Re: Independent Front Suspension Overhaul: Short-Long Arm Coil Spring Suspension DIY

Icheck kung pantay ang mga height. dapat mas mataas ang pivot point ng lower control arm kesa sa lower ball joint. it ang isang malaking pagkakamali ng mga di marunong maglower ng mga sasakyan. gumamit ng tamang kit kung gusto mong ilower ang sasakyan. pero sakin, stock ang preference ko.
[IMG][/IMG]

Irecheck din sa gilid ng sasakyan kung pantay din ang body.
[IMG][/IMG]

Ito pala ang aking safety set-up. bukod sa jackstand eh gumamit din ako ng kahoy na patungan ng crossmember.
[IMG][/IMG]

Kung ok na lahat. "Yugyugin" mo ang sasakyan ng patagilid at sa may harap para magsettle down ang mga piyesa.

Sunod ay pumunta na sa alignment shop para masigurado ang caster, camber, toe-in/toe out. Ang nagastos ko lamang ay P300 pesos para sa toe-out. yung camber at caster ay pasok sa specifications. ito ang kagandahan kapag nasukat mo lahat.

 
Posted : 06/08/2013 11:15 pm
bugel
(@bugel)
Posts: 1131
Noble Member
 

Re: Independent Front Suspension Overhaul: Short-Long Arm Coil Spring Suspension DIY

[IMG][/IMG]

Another technique bro when removing tie rod or alike..kung walang tie rod seperator or oxy/ace..patungan ng yelo yung tie rod sa mismong bolt,(luwagan muna) saka bangagin nang malakas,magugulat ka pa bigla na lang babagsak ang tie rod.

Turo sakin ng old timer..nung una tinatawanan ko lang effective pala:D

 
Posted : 07/08/2013 12:36 pm
bugel
(@bugel)
Posts: 1131
Noble Member
 

Re: Independent Front Suspension Overhaul: Short-Long Arm Coil Spring Suspension DIY

Sukatin ang mga haba ng mga nakaexpose na threads sa tie rods para kahit papano maibalik mo sa dating settings nito.
[IMG][/IMG]

Wala akong digital caliper brader..binibilang ko lang yung thread then minamarkahan ko yung tie rod bar saka yung thread ng tie rod end..

Magkano ba yan(digital caliper) bilhan mo nga ako pag uwi mo ng ilocos hintayin na lang kita sa maharlika highway..:p

Good work bro! Kahit ako hindi ako sumusuot sa ilalim ng sasakyan kung walang safety measures.

 
Posted : 07/08/2013 12:49 pm
JayL
 JayL
(@jayl)
Posts: 5426
Member
 

Re: Independent Front Suspension Overhaul: Short-Long Arm Coil Spring Suspension DIY

Sabihin na natin ke Mike Bro Bugel ... kaya pala wala siyang welding wip eh puro automotive pala ang banat. LOL

Go go go Mike ... nice thread.

Millermatic 180 Autoset Mig Welder
Miller Spoolmate 100 Spool Gun
Victor Firepower 350 Oxy Ace Outfit
3M Speedglas 9002X AD Helmet
Makita LC1230 Dry Cut Saw
Ingersoll Rand Air Tools
Snap On Tools
Metabo Power Tools
Norseman Drill Cutting Tools
Bosch Power Tools
3M PPS

 
Posted : 07/08/2013 2:43 pm
(@miked)
Posts: 440
Reputable Member
Topic starter
 

Re: Independent Front Suspension Overhaul: Short-Long Arm Coil Spring Suspension DIY

ni initial test run ni maktec mt240 di ko pa nagawa. hehe....nag-iipon pa kasi ako ng mga bakal gagawing welding table at chopsaw stand. kulang pa bala sa armory.

 
Posted : 07/08/2013 5:10 pm
bugel
(@bugel)
Posts: 1131
Noble Member
 

Re: Independent Front Suspension Overhaul: Short-Long Arm Coil Spring Suspension DIY

Go bro miked! Me too want to build a new welding table kaso nga lang mga holdaper ang scrap yard dito samin:mad:

Pero may idea na ako in mind parang brick type or modular welding table para kahit saang part ng table pwedeng mag clamp..:)

 
Posted : 07/08/2013 11:04 pm
violaine
(@violaine)
Posts: 1926
Noble Member
 

Re: Independent Front Suspension Overhaul: Short-Long Arm Coil Spring Suspension DIY

really nice thread...enjoyed it much!:cool:

ma grasa nga lang LOL

subscribed!

V

The devil will find work for idle hands to do.-Morrissey

 
Posted : 08/08/2013 5:06 am
Share: