Forum

Share:
Notifications
Clear all

How To? DIY 3-way speakers

8 Posts
6 Users
0 Reactions
135 Views
(@dogman)
Posts: 36
Eminent Member
Topic starter
 

Hello Handymen,

Any chance may nakapag-DIY na ng 3-way speakers dito?

Plano ko kasi mag-DIY para according to preference ang height and design ng speaker boxes pero alangan ako sa speaker wirings. For home use ang speakers na connected sa amplifier. Desktop/laptop ang input. Something to be used for daily music and watching movies.

Balak ko bumili ng speakers sa Raon then build the box. Question is may iba pa bang circuitry required? Nakita ko online, halos lahat gumagamit ng crossover. Newbie ako sa speaker build. Baka matulugan nyo ako.

Pwede ba i-connect ang speakers to speaker connectors, then kabit direkta sa amp? Ito po ang amp na balak ko bilhin:

http://www.lazada.com.ph/sakura-av-5024-amplifier-black-9942248.html?rb=sakura

TIA

 
Posted : 03/02/2017 8:38 am
(@mannymekaniko)
Posts: 76
Trusted Member
 

mas maganda talaga kung gagamit ka ng crossover..pero pwede rin hindi... nung una ako mag assemble ng speaker system nung una wala akong ginamit na crossover nework..then later on nilagyan ko din isang pares sya..kinabit ko muna sa isang set ng speaker then kinumpara ko ang audio output..ayun mas maganda nga ang tunog.base sa experience ko yan..and that was 1993 pa yata hehehe...di nako masyado active sa speaker making pero audio/video technician ang day job ko.

sa question mo kung pwede ikabit direkta sa Amp yung speaker..pwede naman..just make sure na match ang Wattage at impendace at magsimula lagi sa mahinang settings ng volume..minsan kasi nakakalimutan i check naka full volume pala e baka masira ang speaker...lalo na ang tweeter..madalas iyan ang nauunang masunog.

 
Posted : 04/02/2017 2:07 pm
Crazy cut
(@crazy-cut)
Posts: 69
Trusted Member
 

Bro,

kung gusto mo mag 3 way sa speaker lagyan mo ng dividing network nakaka bili ka din dyan sa raon hinihiwalay nya ang weeter, mid at sub mo. Ang wattage ng speaker mo mas maganda kung mas mataas kay sa amps. Simple lang ang circuitry nyan sundam mo lang ang + at - na sign sa amp mo na yan hanap ka ng speaker na 12 inch na sub maganda kong double magnet mas malakas tapos ang mid mo mas maliit ang diameter kay sa sub let say 10 in or less tapos ang tweeter mo tanong mo nalang dun kung ano ang na babagay at ang tining ng tweeter mag dependi yan sa capacitor na ilalagay mo.

kung gusto mo gumamit ng crossover okay din yan pero kailangan gawin mo nalang lahat ng pang professional ang system mo. Halimbawa simula sa source ng sound: mixer - equalizer - crossover - amplifier sa amplifier naman kailangan mo ng tatlo kasi iba ang amplifier ng tweeter, mid range at subwoofer at tatlong speaker box din ang kailangan mo kasi eh hiwalay hiwalay mo sila or pwede rin na ang tweeter at mid sa iisang box at hiwalay ang sub na box.

 
Posted : 08/02/2017 12:27 am
rsurnet
(@rsurnet)
Posts: 18
Active Member
 

mas mabuti kung gagamit kayo ng 3-way crossover network. optimized ang paggamit ng isang speaker kung tama ang frequency na pumapasok sa kanya (frequency response). ang gagawing ng crossover ay ifi-filter nya ang frequency na papasok sa subwoofer (low-pass filter), mid-range speaker (band-pass filter) at tweeter (high-pass filter). walang makakapasok na low frequency sa tweeter, and wala din makakapasok sa high frequecy sa woofer.

kailangan nyo din iconsider ang total impedance speaker nyo. nasa specs ng amplifier ang impedance ng speaker na kaya nyang i-drive. nakasulat po yon sa likod ng amp, or pwede nyo tingnan sa technical reference manual ng amp na gusto nyong bilhin.

 
Posted : 10/02/2017 9:51 am
(@dogman)
Posts: 36
Eminent Member
Topic starter
 

maraming salamat sa inputs mga bro. so crossover is the way. consult ko na lang yung shops sa raon about crossover. so ganun pala dapat? let's say bibilhin kong set ng 3-way speakers ay may total na 600 watts (pair), maganda ba bilhin kong amp ay yung may capacity na 250w x2? that way kahit itodo ko volume eh hindi masisira ang speakers? ganun ba logic nun? hindi ba mahina ang output pag ganun? 🙂

 
Posted : 17/02/2017 8:44 pm
rsurnet
(@rsurnet)
Posts: 18
Active Member
 

yes ganun po talaga para hindi ma overdrive ang mga speakers. kung worried kayo kung mahina ang output, gawa na lang kayo ng speaker system at bili ng amp na mas mataas ang wattage.

 
Posted : 21/02/2017 11:50 am
(@jagert)
Posts: 30
Eminent Member
 

I've tried to make something similar for playing bass guitar but ended up just buying https://musiety.com/a-complete-review-of-the-best-vox-bass-amps/ . It's not that hard to make a cabinet with speakers but making an amp section is really complicated even if you use the easiest wiring.

 
Posted : 27/12/2018 2:27 am
KMossman
(@kmossman)
Posts: 15
Active Member
 

DIY speakers is best since what is mostly available here is CRAP or insanely expensive. However it takes a LOT of research and shopping to do it right.

 
Posted : 02/06/2019 9:30 am
Share: