Forum

Share:
Notifications
Clear all

Disenyo para sa isang Simpleng Garahe ng sasakyan atbp.

24 Posts
4 Users
0 Reactions
559 Views
(@miked)
Posts: 440
Reputable Member
Topic starter
 

Dear Pinoyhandymen,

ako ay sumulat sa inyo para humingi ng abiso kung papano ko gagawin ang aking munting garahe.

akin lamang itatanong ang disenyo ng flooring, poste at truss.

3 x 6 metro ang nakalaan na floor area. corrugated g.i. sheet ang gagamitin.

FLOORING: binabalak kong sementuhin ang kahit kalahati ng madadaanan ng sasakyan at tire path na yung natira. gano po kakapal ang semento at anong size ng rebar gamitin? tsaka ano po spacing ng rebars?

POSTE: balak ko din gumamit ng 3 inches ga. 40 g.i, pipe. ano po kaya mainam na gawin sa pundasyon neto? weldingan ko ba ng mga rebars na magsisilbing kamay sa pundasyon tapos buhusan ng semento o gawan ng sariling pundasyon na may rebar at ipatong yung g.i. pipe post gamit ang j-bolts?

ROOF (truss) : ano mas mainam? bakal o kahoy? kung bakal, anung size po kaya ng angle bar? tsaka ano magandang gamitin na purlin? mukhang malikot kasi yung c-purlins e.

sa katunayan, may nakatayong garahe sa ngayon na gawa sa kahoy mga poste at truss neto. kaso lampas 2 dekada na nakaraan e naubos na rin yung 2 poste sa anay at tubig. sumandal na ito (yung kalahati ng garahe ngayon) sa mga gamit na andun sa ilalim ng garahe.

salamat sa tulong.

 
Posted : 10/10/2014 10:49 pm
(@miked)
Posts: 440
Reputable Member
Topic starter
 

Re: Disenyo para sa isang Simpleng Garahe ng sasakyan atbp.

simpleng gable roof ang binabalak kong gawin....

ang importante sa ngayon e yung poste at roof structure. maari ko munang tiisin na lupa muna yung sahig.

 
Posted : 11/10/2014 3:46 pm
rosy
 rosy
(@rosy)
Posts: 4307
Member
 

Re: Disenyo para sa isang Simpleng Garahe ng sasakyan atbp.

3 x 6 metro ang nakalaan na floor area. corrugated g.i. sheet ang gagamitin.

FLOORING: binabalak kong sementuhin ang kahit kalahati ng madadaanan ng sasakyan at tire path na yung natira. gano po kakapal ang semento at anong size ng rebar gamitin? tsaka ano po spacing ng rebars?

[COLOR="Red"]Bro miked, 4" or 5" thick ang kapal ng flooring. Size ng rebars ay 10 mm( standard ) at 0.30 cm apart
ang horizontal spacing and crosswise.

POSTE: balak ko din gumamit ng 3 inches ga. 40 g.i, pipe. ano po kaya mainam na gawin sa pundasyon neto? weldingan ko ba ng mga rebars na magsisilbing kamay sa pundasyon tapos buhusan ng semento o gawan ng sariling pundasyon na may rebar at ipatong yung g.i. pipe post gamit ang j-bolts?

[COLOR="red"]Yes bro, ok ang 3" gage 40 GI pipes pang poste. I'd prefer weldingan mo sya ng "PATOS". Meaning, gagawan mo sila ng parilya at iwe weld mo yung bottom end ng GI pipe sa mga rebars
using 4 L brackets. Cut ka ng mga 10 pcs na 10 mm rebars with length na 0.60 cm then bend each end with 10 cm, living you with a total length of 0.40 cm. Yan ang magiging size ng parilya
or "patos" mo, 0.40cm X 0.40cm . Bro yung second option mo na gawan ng sariling pundasyon
na may mga rebars ay mas matagal at additional gastos. Eh choice mo na lang yan.

ROOF (truss) : ano mas mainam? bakal o kahoy? kung bakal, anung size po kaya ng angle bar? tsaka ano magandang gamitin na purlin? mukhang malikot kasi yung c-purlins e.

[COLOR="red"]Bro mahal na rin ang good lumber ngayon, inaanay pa in the long ran. Mag bakal ka na lang
anyway may welding machine ka naman. You can use 2" X 2" X 3/16" or 1/4" angle bars. If you
have the budget, pwede rin ang 2" X 2" square tubing or 2" X 3" rectangular tubing kapalit ng
C-purlins. Yan ang gamit ko sa kitchen annex ko. Hindi ko lang alam ang hulog ng roofing mo,
kung dos aguas or single lang towards the back.

GOOD LUCK !!

CIGWELD Weldskill 250 amp Mig Welder
AHP Alpha-TIG 200X welder
HITRONIC 300 Amp DC Inverter IGBT Welder
YAMATO 300 amp AC Stick Welder
YAMATO 200 amp DC Inverter IGBT Welder
DeWALT Chopsaw
HOBART and ESAB Welding Helmets
cloned STIHLs
MS 044 chainsaw
MS 070 chainsaw

 
Posted : 11/10/2014 5:24 pm
(@miked)
Posts: 440
Reputable Member
Topic starter
 

Re: Disenyo para sa isang Simpleng Garahe ng sasakyan atbp.

Maraming salamat ka rosy....dos aguas a.k.a. gable roof, tama ba ako? yan ang plano ko.

binaback read ko rin yung thread ni fourtheboys96 regarding his garage too as additional info. tsaka may libro na rin ako nung kay Max Fajardo. Gusto ko lang dagdagan pa ang info ko. tinigtignan ko rin yung mga kaparehas na gawa jan sa mga tabi-tabi.

may mga tanong pa pala ako:

1. Tungkol sa POSTE at PUNDASYON, ano yung 4 L brackets? mejo diko gets e. baka may litrato kayo na pwedeng ishare tungkol dito. sapat na din ba yung 1.2 meters na lalim para sa pundasyon?

mejo mabigat nga sa bulsa yung reinforced concrete foundation. mukhang mapapakambyo ako pagdating dun. Tsaka may possibility rin na tatanggalin yung garahe once na magdesisyon magpatayo yung tita ko ng bahay....sa kanya kasi yung lupa at nasa harap lang namin. kami lang sa ngayon ang temporary user. in 5-10 years siguro. pero maari pa rin nyang gawing staging area for materials or mini workshop, just in case. kaya i think i'll go for the cheaper yet sturdy design.

2. Tungkol sa pagpapatungan ng steel truss o yung biga (beam), anong size mainam gamitin kung 2x2 yung truss?

3. Ano mainam gawin sa koneksyon ng beam (etong beam na eto ay yung papatungan ng barakilan ng steel truss) sa posteng G.I. pipe? puputulan ko ba ng slot yung GI pipe para may maupuan yung beam tapos iwewelding? o de turnilyo?

Hanggat maari di na lalampas sa P30k yung gastos sa garahe, sana. gusto ko rin makagawa kahit simpleng structure lang. nagpaestimate ako sa engr, P70k ang gusto nya. sa bahay ko na lang gastusin kung ganyan halaga din lang kako. ang Corrugated roofing ay irerecycle ko lang yung nakakabit ngayon sa lumang garahe.

 
Posted : 11/10/2014 8:17 pm
(@miked)
Posts: 440
Reputable Member
Topic starter
 

Re: Disenyo para sa isang Simpleng Garahe ng sasakyan atbp.

yung garahe sa background ang irerebuild ko....mukhang sa baklasan pa lang e lawit na dila ko:rolleyes:

 
Posted : 11/10/2014 9:11 pm
rosy
 rosy
(@rosy)
Posts: 4307
Member
 

Re: Disenyo para sa isang Simpleng Garahe ng sasakyan atbp.

Bro miked,

Based sa reply mo, meron palang posibilidad na tatanggalin ng tita mo yung gagawin mong garahe
in the future so I guess you will have to take the second option of using a concrete foundation w/
a raised concrete of 0.30 cm or 0.40 cm and some diameter of 10" X 10". Embed mo with 4 pcs of
long bolts na kakapitan ng 1/4" or 3/8" thick metal plates welded sa end ng GI pipes. Bro so you can save, you can reduce the size of your GI pipe posts from 3" to 2" para mas maging mura.
Kakayanin din nyan yung weight ng roofings mo.

For the beams, mag pa fabricate ka nyan using 2" X 2" X 1/4" thick, I forgot what it is called, yun bang may mga diagonal at vertical sections welded to the main rectangular frame.

For your flooring, kahit patungan o latagan lang mo muna ng G1 gravel, tapos sementohan mo lang
yung dadaanan ng gulong.

CIGWELD Weldskill 250 amp Mig Welder
AHP Alpha-TIG 200X welder
HITRONIC 300 Amp DC Inverter IGBT Welder
YAMATO 300 amp AC Stick Welder
YAMATO 200 amp DC Inverter IGBT Welder
DeWALT Chopsaw
HOBART and ESAB Welding Helmets
cloned STIHLs
MS 044 chainsaw
MS 070 chainsaw

 
Posted : 11/10/2014 10:06 pm
(@miked)
Posts: 440
Reputable Member
Topic starter
 

Re: Disenyo para sa isang Simpleng Garahe ng sasakyan atbp.

may isa uling pagkokopyahan ng ideya galing sa garagejournal (morrisman). isang taga-UK na nagtayo ng bahay at garahe sa angeles city. mukhang simple lang yung roofing design ng garahe nya o:

http://garagejournal.com/forum/showthread.php?t=102764&showall=1

maari din eto ang gayahin ko at gawin shed type roof na lang. 6 pcs of G.I. pipe posts pa pa rin.

scouting pa for other possible options as plan B.

tungkol sa plan A (gable roof), yung truss design ay 1 vertical member at 1 diagonal member (from top to bottm chord) towards the center. per side iyan. tapos pwede na kaya yung 3 pcs truss sa 3 meters spacing in between? 3x6 yung alloted floor area e.

 
Posted : 12/10/2014 8:31 am
rosy
 rosy
(@rosy)
Posts: 4307
Member
 

Re: Disenyo para sa isang Simpleng Garahe ng sasakyan atbp.

Bro miked,

Pinaka simpleng roofing design or layout yung isang aguas lang, roofing is just tilted towards the back, as I understand gusto mo less expensive and yet durable. Connect all your 4 or 6 GI pipe post by fabricating angle bar beams and chords sa front, two sides and the rear portion, tapos ipatong mo yung 3 trusses na 2" x 6" rectangular tubing, welded to the front and rear beams.

After which you install( welded ) ang purlins , possible na 2" X 2" square tubing or 2" X 2' angle bars sa ibabaw ng trusses, tapos ang usapan.

;):cool01:

CIGWELD Weldskill 250 amp Mig Welder
AHP Alpha-TIG 200X welder
HITRONIC 300 Amp DC Inverter IGBT Welder
YAMATO 300 amp AC Stick Welder
YAMATO 200 amp DC Inverter IGBT Welder
DeWALT Chopsaw
HOBART and ESAB Welding Helmets
cloned STIHLs
MS 044 chainsaw
MS 070 chainsaw

 
Posted : 12/10/2014 12:11 pm
phezthie
(@phezthie)
Posts: 107
Estimable Member
 

Re: Disenyo para sa isang Simpleng Garahe ng sasakyan atbp.

OT - collapsible tent kasi nasa isip ko...

no problem sa truss, footing at importantly, movable pag kailangan hehehe

 
Posted : 12/10/2014 8:08 pm
(@miked)
Posts: 440
Reputable Member
Topic starter
 

Re: Disenyo para sa isang Simpleng Garahe ng sasakyan atbp.

Bro miked,

Pinaka simpleng roofing design or layout yung isang aguas lang, roofing is just tilted towards the back, as I understand gusto mo less expensive and yet durable. Connect all your 4 or 6 GI pipe post by fabricating angle bar beams and chords sa front, two sides and the rear portion, tapos ipatong mo yung 3 trusses na 2" x 6" rectangular tubing, welded to the front and rear beams.

After which you install( welded ) ang purlins , possible na 2" X 2" square tubing or 2" X 2' angle bars sa ibabaw ng trusses, tapos ang usapan.

;):cool01:

yup...learning experience din ito kung sakali kaya yung mas simple lang muna siguro kagaya ng nabanggit ninyong "uno aguas". kaparehas nung pinost ko galing sa garagejournal.com...

kaso nga lang hindi sya tilted towards the back. ang aking naisip e tilted to the western side (facing south kasi yung garahe). bakit tilted to the west side? mas mainit na rin kasi sa hapon tsaka may 3 storey building sa katabing lote (east side) na nagsisilbing shade sa umaga. lagyan ko na lang ng canvass o anumang takip kung maarawan pa rin kung sakali.

tungkol sa downsizing ng G.I. pipe post from 3 inches to 2 inches, irereduce ko rin ba yung size nung angle bars sa truss? i.e. from 2 inches to 1.5 inches angle bars tapos 2 inches angle bars yung dalawang girders sa magkabilang gilid.

Sa rafters/girders, depende na rin siguro sa lalabas na cost kung C-channel (2x4) ang gamitin ko or built up na truss gamit ang 2x2 angulars.

ang concern ko lang naman e wind load (bagyo) tsaka seismic load. baka sa bigat nung 2 inches angular, uuga yung roof structure. kung 1.5 inches angular naman, baka underdesign na ito laban sa malalakas na hangin.

yung dead load naman e saka ko pa lang ieestimate once madesisyunan ko na yung style ng roof truss (kung uno o dos aguas). may datos naman na ako sa weight per unit length ng mga bakal.

tungkol naman sa purlin, maari din ba gumamit ng Z-bars instead of C-purlins or hollow sections (rect o square)????

whew, kalawangin na utak ko pagdating sa structures....:confused:

 
Posted : 12/10/2014 10:32 pm
(@miked)
Posts: 440
Reputable Member
Topic starter
 

Re: Disenyo para sa isang Simpleng Garahe ng sasakyan atbp.

hindi sya pwede maging movable attorney...kundi removable. hahaha

yung mga nakita kong modular steel carports sa google e mukhang hindi akma sa wind loads dito sa pinas considering na number 1 ang pinas pagdating sa bagyo.

 
Posted : 12/10/2014 10:36 pm
(@miked)
Posts: 440
Reputable Member
Topic starter
 

Re: Disenyo para sa isang Simpleng Garahe ng sasakyan atbp.

mukhang ok suggestion nyo sir rosy tungkol sa uno aguas sloped from front to back.....additional girder at center nga lang pero tingin ko e mas kokonti pa rin material requirement dahil pwede na ang dalawa hanggang tatlong trusses. kumpara sa una na apat hanggang anim.

 
Posted : 13/10/2014 8:04 am
rosy
 rosy
(@rosy)
Posts: 4307
Member
 

Re: Disenyo para sa isang Simpleng Garahe ng sasakyan atbp.

Bro miked,

Three rectangular trusses will do to hold the metal purlins. What I mean by 4 or 6 are the 2 x 2
GI Pipes as posts. Kung baga 3 each sa 2 sides since yung length ng garage ay 6 meters.

For your purlins, don't use the Z bar stocks, masyadong makipot at manipis, its still safer to use square tubings or 2 X 2 X 3/16 angle bars.
Yung angle bars pag weld sa trusses, naka tayo (flat side on top) tapos lalagyan mo ng kaputol na angle bar sa likod forming like a much better Z bar.

Mas matibay yan.

CIGWELD Weldskill 250 amp Mig Welder
AHP Alpha-TIG 200X welder
HITRONIC 300 Amp DC Inverter IGBT Welder
YAMATO 300 amp AC Stick Welder
YAMATO 200 amp DC Inverter IGBT Welder
DeWALT Chopsaw
HOBART and ESAB Welding Helmets
cloned STIHLs
MS 044 chainsaw
MS 070 chainsaw

 
Posted : 13/10/2014 11:02 pm
(@miked)
Posts: 440
Reputable Member
Topic starter
 

Re: Disenyo para sa isang Simpleng Garahe ng sasakyan atbp.

ishare ko itong nakita ko sa paligid. etong una nakapagsurvive nung bagyong glenda.

1.5 in angle bars truss with 10 mm rebars as webbing. ganon din yung beams. poste ay 2 inches ga 40 g.i. pipes. diko makilatis ang pundasyon dahil baon sa lupa. spacing ng poste ay 3 meters.
ang mga trusses ay nakapatong sa poste (3 meter spacing). nakapagsurvive nga sa bagyo pero pasok ba to sa standard na sinusunod sa spacing ng trusses. sa pagkakaalam ko 1.5 to 2 meters ang truss spacing. your thoughts PHMers?????

 
Posted : 14/10/2014 6:50 pm
(@miked)
Posts: 440
Reputable Member
Topic starter
 

Re: Disenyo para sa isang Simpleng Garahe ng sasakyan atbp.

tapos eto naman isa. parehas din na 3 meters ang spacing sa trusses na nakapatong sa poste

2x2 inches angle bars. 3 inches ga 40 g.i, pipe post.

tapos approx 13 inches above ground ang height ng concrete post kung saan nakabolt-on ang pipe post with 1/4 in MS plate. walang gusset supporting posts. 5/8 inches ang bolts spaced at 5 inches square.

 
Posted : 14/10/2014 6:56 pm
Page 1 / 2
Share: