Forum

Share:
Notifications
Clear all

Question regarding window making

2 Posts
2 Users
0 Reactions
60 Views
(@johngovan)
Posts: 13
Active Member
Topic starter
 

Good day PinoyHandyman. Ask ko lang po sana, if may steel frame ako for window, ano po yung ginagamit para idikit yung glass sa metal? Silicone sealant lang po ba yun? I see those traditional steel windows na meron pang nilalagay sa paligid na naka 45 degree bevel na nag ccrack pag naluluma na sya? Ano po kaya yun?

 
Posted : 22/05/2019 10:52 pm
Batang_Hamog
(@batang_hamog)
Posts: 16
Active Member
 

Bro johngovan, that would be window glass putty (or simply putty). Hindi ko alam kung san nakakabili kasi nung nagtanong ako sa mga hardware dito samin wala may tinda.

What I did before was nagpa-cut ako ng glass to replace the broken one sa nearby glass and aluminum shop then binigyan ako ng putty. Wala daw kasi mag-iinstall kesyo busy daw mga tauhan sa shop so I took the challenge to DIY it. Nagawa ko naman although medyo nahirapan at natagalan ako bago ko na perfect. Trial and error!

TIP: if the putty is not used for a long time matigas sya na parang bato. Basain mo ung surface using paint thinner then ibilad mo sa araw. Pag mejo lumambot na then add paint thinner pakonti-konti habang minamasa mo until parang clay na sya. Hope this helps.

 
Posted : 24/05/2019 10:00 pm
Share: