Tanong ko naman po kung okay lang pagsamahan ang AC at PC sa isang circuit breaker? Yun kasi ang suggestion ng electrician na tumingin sa kuryente namin kanina. Ang problem ko kasi ay pag binubuksan ko yung Mitsui avr IC controlled (attached ang CPU at monitor), namamatay-matay ang ilaw sa buo namin kabahayan, tapos pati yung desktop ko mismo nagshushutdown. So tiningnan lahat ng possibilities, malinis naman daw ang metro, okay naman ang wiring sa sala at labas, pati wiring ng meralco sa labas ng bahay ginalaw-galaw na, okay naman din, pati avr ko pinatingnan ko, wala naman problema. Pero pagdating sa room ko where my pc is, dun nangyayari ang problem. Sinubukan kong ikabit ang avr with monitor sa outlet sa sala namin, wala namang light flickering na nagyari. There must be an overload, diba? Yung circuit breaker kasi sa extension house namin kasama na dun room ko (nakasaksak ang ref, 2 washing machine, desktop pc with monitor, 2 printers, 1 dvd, ps2, 21" TV, 3 electric fans ang load) ay iisa lang at 30 amperes, tapos loose na din daw need replacement. Would this be enough sa mga appliances na yan? So our electrician said since separate ang CB ng aircon ko, magdudugtong na lang daw sya ng outlet sa wire ng Aircon ko para doon isasaksak ang PC ko. Safe po kaya yun? Baka mamaya di kayanin pag sabay ko binuksan. What would you recommend? Need help po talaga....
Added info:
Pag sinasaksak ko yung avr with monitor and cpu sa outlet sa room ko, bumababa sa 216 volts ang reading ng tester sa circuit breaker, sabay flicker ng lights sa buong bahay namin.
Re: Aircon and Desktop PC in the one circuit breaker
Parang hindi yata tama. An aircon should have its own circuit breaker. 40 Amps yung sa amin ( not sure but the higher amps).
The refrigerator too. About the computer, ideally any power outlet will do. Pero minsan mataas kasi ang power consumption ng computer. Mine is attached to a a power outlet with 30 Amps circuit breaker.
I had my house checked. The electrician connected 4 power outlets including the one for the ref in one circuit breaker na 20 Amps lang. Mali daw yun.
Suggetion, taasan mo ang circuit breaker mo. Make sure okay pa ang wire mo,
and can handle your power requirements.