Forum

Share:
Notifications
Clear all

Miked's barracks: Welding Table

9 Posts
4 Users
0 Reactions
60 Views
(@miked)
Posts: 440
Reputable Member
Topic starter
 

Umulan ng isang linggo dito sa norte at nung sumilip na si haring araw e agad nang bumanat.

Gamit ang mga nakatiwangwang na bakal sa bahay.
1/4 inch thick steel plate 80 cm x 80 cm....hebigat di ko mabuhat ng maayos
[IMG][/IMG]

atsaka 2 inch x 3/16 angle bars na nabili ko sa junkshop
[IMG][/IMG]

layout ang frame ng mesa. ayos talaga ang may magnet. pukpukin lang ng konti ang bakal, iskwalado na.
[IMG][/IMG]

tapos yung angular uli para sa paa. nasa 2 ft ang height.
[IMG][/IMG]

 
Posted : 18/06/2014 12:01 am
(@miked)
Posts: 440
Reputable Member
Topic starter
 

Re: Miked's barracks: Welding Table

sinindihan at eto ang kinalabasan. napabili pako ng bagong welding rods dahil di na maganda ang kapit nung nakaexpose ng mahigit 2 buwan na nihonweld rods. kahit mejo matagal kong binababad ang rods eh di maganda ang kapit. nung gumamit ako ng bago ayun umimprove. nihonweld welding rod 1/8 inch at 130 amperes ang settings.
[IMG][/IMG]

ayan itinabi muna habang nagaayos pa ng magiging barracks ng mga gamit ko sa bago naming tahanan. susunod ay lalagyan ko ng steel casters. ipon muna at naubos ang powers sa renovation ng tahanan namin. wag nyo nang intindihin yung lpg tank sa tabi :eek:. ibinenta ko na sa junkshop.:)
[IMG][/IMG]

 
Posted : 18/06/2014 12:10 am
(@miked)
Posts: 440
Reputable Member
Topic starter
 

Re: Miked's barracks: Welding Table

at pasensya na rin sa halo halong sizes ng mga litrato. ewan ko ba e 360 width by 480 height na ang ginamit ko e nagkaganun pa rin.

 
Posted : 18/06/2014 12:11 am
horge
(@horge)
Posts: 226
Estimable Member
 

Re: Miked's barracks: Welding Table

You might want to round off the tabletop's corners as a safety measure. 🙂
Mahirap na kung ma-kantohan ka ng mga iyan.

 
Posted : 18/06/2014 10:45 am
(@miked)
Posts: 440
Reputable Member
Topic starter
 

Re: Miked's barracks: Welding Table

noted sir horge. will do that.

 
Posted : 18/06/2014 11:29 am
rosy
 rosy
(@rosy)
Posts: 4307
Member
 

Re: Miked's barracks: Welding Table

layout ang frame ng mesa. ayos talaga ang may magnet. pukpukin lang ng konti ang bakal, iskwalado na.
[IMG][/IMG]

tapos yung angular uli para sa paa. nasa 2 ft ang height.
[IMG][/IMG]

Hey miked,

Finally you,ve made yourself a welding table, that is good kaibigan, I suppose future projects will be easier to make and finish on that table. Yes you are right, having some welding magnets around helps a lot during layouts and fabrications. CONGRATS bro !

Ahhhh my concern only is that since your table top is a bit thin, may I suggest adding some support or bracing underneath to stiffen the 1/4" thick plate. Madali ang warping nyan pag subjected sa heat during welding. Try also to add some gussets to the angle bar legs and receivers as support para mas matibay.

Tanong ko lang, hinde kaya tumikwas yan sa sides kasi parang makipot and width ng mga poste ng welding table mo ?

Hope to see more metal projects made on that table soon bro !! HEHEHE :whistle: 😀

CHEERS !!

CIGWELD Weldskill 250 amp Mig Welder
AHP Alpha-TIG 200X welder
HITRONIC 300 Amp DC Inverter IGBT Welder
YAMATO 300 amp AC Stick Welder
YAMATO 200 amp DC Inverter IGBT Welder
DeWALT Chopsaw
HOBART and ESAB Welding Helmets
cloned STIHLs
MS 044 chainsaw
MS 070 chainsaw

 
Posted : 18/06/2014 12:45 pm
bugel
(@bugel)
Posts: 1131
Noble Member
 

[IMG][/IMG]

Ayos brader! May i suggest lagyan mo ng sabitan ng angle grinder or another level sa ibaba ng table top,para may patungan ka ng square,measuring tape.marker..etc..

Malamang habang di pa finish yang welding table mo..toma table muna purpose nyan..har har har! Naka display na oh..tanpuluts na lang ang kulang.
Posted via PHM Mobile
Posted via PHM Mobile

 
Posted : 18/06/2014 3:19 pm
(@miked)
Posts: 440
Reputable Member
Topic starter
 

Re: Miked's barracks: Welding Table

ka rosy at ka bugel, semi finished pa yung welding table. kinapos lang sa bakal atsaka oras na din dahil madalian lang nung ginawa ko gawa ng naghahamon na naman yung ulan that time. as per your suggestion e lalagyan ko talaga ng additional brace sa ilalim tsaka gusset.

yung another level sa ibaba ay aking napagisipan din para hindi nakikipagkompetensya ng space ang mga tools sa ibabaw. tsaka yung sabitan ng grinders at tools na pwedeng isabit ay isa sa mga "things to do".

balak ko din lagyan ng steel casters (about 3 inches) para di ako mahirapan sa paglipat neto kung sakali.

 
Posted : 19/06/2014 8:57 pm
(@miked)
Posts: 440
Reputable Member
Topic starter
 

Re: Miked's barracks: Welding Table

nga pala sir rosy, regarding sa stability e sinubukan ko umupo at inuga sa gilid nung natapos kong gawin e ayun hindi naman natumba yung mesa. may kabigatan din e. ewan ko na lang kung papano ang stability after ko malagyan ng casters.

 
Posted : 19/06/2014 9:02 pm
Share: