Forum

Share:
Notifications
Clear all

Powercraft PAC1050 Air compressor

11 Posts
3 Users
0 Reactions
86 Views
(@miked)
Posts: 440
Reputable Member
Topic starter
 

Pagdating ko ng cubao, bigla na lang may bumuntot sakin na aso. kaya ayan sinabay ko na pauwi.

Featuring: Powercraft PAC1050 model air compressor, 1 hp 50 liters 1200 rpm 5.4 cfm (70 psi); 4.7 cfm (90 psi)
[IMG][/IMG]

[IMG][/IMG]

[IMG][/IMG]

Diko agad napansin na more than 8 amperes pala ang running current, naghinala akong baka magtrip yung circuit breaker sa bahay kako (20 amp yung circuit). kadalasan kasi, x3 yung starting current sa running current ng mga electric motors. so far hindi naman "tumalon" yung circuit breaker.
[IMG][/IMG]

 
Posted : 13/10/2014 7:51 pm
(@miked)
Posts: 440
Reputable Member
Topic starter
 

Re: Powercraft PAC1050 Air compressor

absent sa iskwela yung nagsulat ng specs ng motor....seRRies. hehe. hayaan na natin.

 
Posted : 13/10/2014 7:53 pm
(@miked)
Posts: 440
Reputable Member
Topic starter
 

Re: Powercraft PAC1050 Air compressor

Dumako tayo sa compresssor. may oil dipstick tsaka oil level viewport.

errrr.....san ba talaga drain plug neto? mukhang nakaweld kasi yung maliit na bolt sa kaliwa.

Mukhang cheesy yung air filter. Foam lang...upgrade ko to sa dry paper filter sa susunod. yung mga ginagamit sa kalbolador este karborador.

Tapos hex socket (allen) yung cylinder head bolts nya. siguro 6mm or 8mm..diko pa natry ifit yung allen wrench ko. sa susunod na lang.

 
Posted : 13/10/2014 7:58 pm
(@miked)
Posts: 440
Reputable Member
Topic starter
 

Re: Powercraft PAC1050 Air compressor

Bakit ganon? 480 width x 360 height na yung size nung mga nasa itaas.....sorry admins. sya, ituloy na lang natin.

sa compressor pa din. eto rin iuupgrade ko siguro sa steel pagdating ng panahon..yung copper charging tube (papuntang tank). andito rin sa side na ito yung crankcase breather (yung itim).

Sa electric motor (1hp), aluminum yung housing nya. ayon sa itinuro sa akin sa klase, mas mataas ang thermal conductivity ng aluminum kesa cast iron. kaya, mas mainit ito sa pakiramdam. tama ba mga kaibigan? halos yung iba kasing brand ng air compressors e cast iron yung housing ng e-motor....tignan natin kung tatagal nga yung winding.

tapos may reset button din para sa e-motor.

tapos dalawang capacitor....malamang ang isa ay sa starting at ang natira ay sa running. tama ba?

 
Posted : 13/10/2014 8:06 pm
(@miked)
Posts: 440
Reputable Member
Topic starter
 

Re: Powercraft PAC1050 Air compressor

approx. 1.5 metro na electrical cord

1/4 NPT discharge fitting. yun lang mag-isa lang ito. di gaya ng mga vespa na dalawa. hanapan ko na lang siguro ng y-fitting sa susunod. nasa binondo ako netong nagdaang linggo, nakalimutan ko naman.

tapos yung pressure gage

at yung adjustment screw para sa pressure cutoff and on....diko na mabilang yung ikot na ginawa the first time na ginamit ko panglinis ng internals ng makina. kasi nasa 120 psi yung max nya. e 85-115 psi yung nakasulat. andito rin banda yung push button on/off switch nya kaso diko pa pala nasubukan kung gumagana. sa susunod na lang ha.

 
Posted : 13/10/2014 8:13 pm
(@miked)
Posts: 440
Reputable Member
Topic starter
 

Re: Powercraft PAC1050 Air compressor

rubber dampers sa may "towing side". andito rin banda yung drain valve. the first time na drinain ko e basa ang palad ko. tsaka may lumalabas din na moisture sa blow gun.

yung mga gulong sa likuran, kagaya ng mga kaibigan kong iba. plastic. :p

at eto pala yung AC plug nya...mukhang heavy duty naman...10 A rating at 250 Volts.

 
Posted : 13/10/2014 8:18 pm
(@miked)
Posts: 440
Reputable Member
Topic starter
 

Re: Powercraft PAC1050 Air compressor

ansabi ni rolins last time na tinext ko P7.8k....after 1 month, aba tumaas. sabagay salawal lang naman bumababa.:rolleyes::p

syanga pala, eto ang mga binabalak kong paganahin gamit ang bago kong pambuga. IR 231C impact wrench, isang generic na euromax f-75 gravity spray gun at airboy blow gun. sa ngayon yung blowgun pa lang nagamit ko.

ayaw tumigil yung compressor nung blowgun ang gamit ko. kasi wala pako regulator/filter nun. pero ngayon nakabili nako ng THB regulator/filter/separator sa halagang P1,300 kay the great iris sa t. alonzo. tsaka yung 3/8 swan air hose at marvel oil kay fellow PHMer Sir JayL.

ayan muna mga kaibigan...babalitaan ko na lang kayo sa susunod kung pano sya trumabaho pagdating sa spray painting at sa impact wrench.

 
Posted : 13/10/2014 8:28 pm
phezthie
(@phezthie)
Posts: 107
Estimable Member
 

Re: Powercraft PAC1050 Air compressor

burn mode :clap1: ... nice tools you got there bro, keep them coming...

 
Posted : 13/10/2014 9:07 pm
(@miked)
Posts: 440
Reputable Member
Topic starter
 

Re: Powercraft PAC1050 Air compressor

may isang defect na di ko agad napansin. mejo kinked yung copper tube from tank to pressure switch/discharge port. hayaan ko na lang muna siguro. isolated case siguro ito. palitan ko ng 3/16 steel sa susunod. attn: Mr. Jasper Tan. hehehe

 
Posted : 13/10/2014 9:34 pm
bugel
(@bugel)
Posts: 1131
Noble Member
 

Re: Powercraft PAC1050 Air compressor

Congrats bro..compressor ang di dapat mawala sa isang shop..maliit man o malaki.

Sent from my iPad using Tapatalk

 
Posted : 14/10/2014 12:11 pm
(@miked)
Posts: 440
Reputable Member
Topic starter
 

update ko lang....nasa 10 lugnuts kayang luwagan bago uli magrecharge. recharge point nya is 80+ psi. pero kahit nasa 70 psi kaya pa ring magluwag ng stud nuts sa gulong ng sasakyan.

 
Posted : 12/01/2015 3:27 pm
Share: