Forum

Share:
Notifications
Clear all

Ang Welder para sa mga Praktikal

22 Posts
6 Users
0 Reactions
280 Views
(@praktikal)
Posts: 52
Trusted Member
Topic starter
 

Finally!

Hindi ito ang target brand ko kaso ito lang talaga ang target budget. 4.5k with 1 year warranty and 60% DC, why not? Buti new batch na ang inabot ko kasi dating 35% DC lang yan. 6.8k kasi yung Hitronic 160A kaya sa natipid ko eh nakabili pa ako ng ADH @ 2k.

Natuwa ako sa first try ko. Swabe kapag may ADH talaga tsaka tama yung sabi nila na less talsik at madaling sumindi vs conventional welder (at least sa karanasan ko). Naka try na din ako once using conventional at nahirapan ako pero dito esp with ADH parang kaya kong matuto in a day.

Tahimik at magaan. Wala na yung kinaaasaran kong magkabit rekta sa breaker.

Post ko later pics ng praktis ko. Ang saya-saya!

 
Posted : 06/09/2016 8:34 pm
jantech
(@jantech)
Posts: 148
Estimable Member
 

Congrats bro praktikal... Ang importante naman parati eh yung masaya tayo sa binili naten. Tamang tama nagpapabili bayaw ko ng welding machine Baka eto na lang bili ko sa kanya.

 
Posted : 06/09/2016 11:25 pm
(@praktikal)
Posts: 52
Trusted Member
Topic starter
 

Congrats bro praktikal... Ang importante naman parati eh yung masaya tayo sa binili naten. Tamang tama nagpapabili bayaw ko ng welding machine Baka eto na lang bili ko sa kanya.

Tinkyow! Korek.
Pwede ng pagpraktisan yan tutal 1 year warranty naman tsaka maayos ang pagkagawa na sa pakiramdam ko ay tatagal.

 
Posted : 07/09/2016 9:41 am
rosy
 rosy
(@rosy)
Posts: 4307
Member
 

Congratulations on the new welder and if you feel its enough for your needs and the make of the machine satisfies you, then enjoy it to the max. Sulitin mo yuong 1 year warranty para malamang ang tibay.

Cheers and enjoy the new toy ! :win::attack:

CIGWELD Weldskill 250 amp Mig Welder
AHP Alpha-TIG 200X welder
HITRONIC 300 Amp DC Inverter IGBT Welder
YAMATO 300 amp AC Stick Welder
YAMATO 200 amp DC Inverter IGBT Welder
DeWALT Chopsaw
HOBART and ESAB Welding Helmets
cloned STIHLs
MS 044 chainsaw
MS 070 chainsaw

 
Posted : 07/09/2016 10:15 pm
(@praktikal)
Posts: 52
Trusted Member
Topic starter
 

Congratulations on the new welder and if you feel its enough for your needs and the make of the machine satisfies you,
then enjoy it to the max. Sulitin mo yuong 1 year warranty para malamang ang tibay.

Cheers and enjoy the new toy ! :win::attack:

Thanks!

Susulitin ko bago lumagpas ng 1 year.

Ang ADH pala ay parang palaman ng tinapay. Pwede mong kainin ang tinapay lang pero mas masarap kung may masarap na palaman. Noong una kong try ng non inverter w/o helmet, nahirapan ako pero ngayon ang dali lang pala. Need ko pang iexpose ang sarili ko sa mga pro para sa mga techniques and tricks.

Meantime, praktis pa more for consistency & accuracy, back read sa mga posts nyo at nood nood pa sa youtube.

 
Posted : 08/09/2016 11:36 am
rosy
 rosy
(@rosy)
Posts: 4307
Member
 

Nice try bro praktikal, but its still better to do practice on plates or flat bars, not so much on square bars,
mahirap makita ang improvement ng bawat linya ng beads from first to the last.

Do some oscillating movements on applications, like doing continued or connected circular patterns, do it
slowly to achieve a uniform bead appearance. Or you may opt for the letter Cs, its a continues small letter
C movement from side to side or up, down, up down. Do this several times to familiarize your wrist with
the movement.

Also try to use the 6013, 1/8" and see the difference between the 1/8" and the 3/32" at different amps.
Huwag kang manghinayang sa welding rods, you will burn lots and lots of stick rods to get use to a style
or technique you will feel at ease.

Yes bro, practice, practice and more practice on your weld bead applications.

Enjoy your welding practice !! :barmy:

CIGWELD Weldskill 250 amp Mig Welder
AHP Alpha-TIG 200X welder
HITRONIC 300 Amp DC Inverter IGBT Welder
YAMATO 300 amp AC Stick Welder
YAMATO 200 amp DC Inverter IGBT Welder
DeWALT Chopsaw
HOBART and ESAB Welding Helmets
cloned STIHLs
MS 044 chainsaw
MS 070 chainsaw

 
Posted : 08/09/2016 11:46 pm
(@praktikal)
Posts: 52
Trusted Member
Topic starter
 

^ Thanks!

Ang importante sa ngayon may gamit na. Yes, handa naman akong magtunaw ng maraming rods. Will post more pics later.

 
Posted : 09/09/2016 11:57 am
jantech
(@jantech)
Posts: 148
Estimable Member
 

bumili ako nito kanina (para sa bayaw ko) sa goldpeak... maliit lang pala to sa personal kayang kaya dalhin kahit saan.

 
Posted : 09/09/2016 8:03 pm
(@praktikal)
Posts: 52
Trusted Member
Topic starter
 

bumili ako nito kanina (para sa bayaw ko) sa goldpeak... maliit lang pala to sa personal kayang kaya dalhin kahit saan.

Kahon lang ang malaki hehe... Pero aliw gamitin, very handy.
Try mo na din. 🙂

 
Posted : 10/09/2016 1:13 pm
(@praktikal)
Posts: 52
Trusted Member
Topic starter
 

Here's my 2nd praktis:

Sinubukan ko na rin mag "spot" at mag weld ng 2" finishing nails. Nahirapan akong gamitin ang 1/8" 6013 kaya after 1 rod nag 3/32 na lang ako. Later ko na lang tyagain. Nasa 115A lang ako naglaro.

Praktis pa more!

Btw, pinasubukan ko din pala sa anak kong 14 years old para malaman nyang hindi ganun kahirap. Nakaubos naman sya ng isang rod at tingin ko naman eh di sya nahirapan. Sunod naman si wifey. Gusto kong i-share sa kanila na with the right tools, kayang kayang mag weld kahit sino basta interesado.

 
Posted : 13/09/2016 12:44 am
(@praktikal)
Posts: 52
Trusted Member
Topic starter
 

With the same 6013 3/32, pinag-aralan kong magweld ng manipis na tubular (1.0mm o 1.2mm yata) tapos nilaro ko from 60A pataas at ito ang resulta:

The same metal na ginamit nung welder na pinagawa ko sa pintong bagal na panay angal dahil laging butas sa sobrang nipis daw. Yun lang kasi ang available sa hardware that time. Gusto kong masubukan ang 7014/7018 kung ano ang result. Ang gusto kong maachieve na ma full weld na walang butas. Again, iba talaga ang may ADH kasi naaalalayan ko ang paglapat ng rod na di hirap ang mga mata. I can imagine ang tuwa ng welders na makagamit ng ADH na sanay lang sa traditional mask o shades.

 
Posted : 13/09/2016 1:09 am
(@makikulit)
Posts: 33
Eminent Member
 

nice looking welder at welds 🙂 , praktikal would you happen to know the manufacturer ng powerhouse is there anything written on the manual or box where it came from? for a 60% duty cycle na 200A ok ang presyo nya

 
Posted : 16/09/2016 9:41 am
(@praktikal)
Posts: 52
Trusted Member
Topic starter
 

^ Ang nasa box ISO9001, ROHS Compliant, USA, etc. Pulido ang print pati ang welder mismo maayos ang pagkagawa. In other words, hindi cheap ang dating. Duda ko China made din ito. Ang importante para sa akin, maayos gamitin at nagagawa ko na ang mga repairs. Best ito para sa akin dahil inaalam ko pa kung hanggang saan ako aabutin sa field na 'to. Just don't forget to buy an ADH. Hoyoma nga lang ang binili ko instead of Hitronic kasi nung sinubukan ko same lang. Pambili din ng grip tools ang 500 difference. Mas pinili ko yung simple lang as long as it's effective. Saka na ako mag upgrade kung talagang mag seryoso ako sa welding. Hth. 😉

 
Posted : 16/09/2016 1:06 pm
(@praktikal)
Posts: 52
Trusted Member
Topic starter
 

Ito ang praktis ko sa 1.0mm scrap using 6013 3/32:

Yung nasa #2 ay ang mga "tagos". Hindi ko naman intensyon i-full weld. Nagpraktis lang akong mag spot kung kaya ko sa thin sheet. Sinimulan ko sa malalayong gap then in between hanggang sa lumiit ang gap. That way, may time pang lumamig ang metal para sa susunod na spot. Anyway, inaaral ko din muna ang reaction ng metal tuwing nagwewelding at salamat sa ADH dahil mas may control.

Hopefully, next week makapunta akong Binondo para makabili ng rods and other anik anik... 😉

 
Posted : 16/09/2016 7:00 pm
(@makikulit)
Posts: 33
Eminent Member
 

Praktikal baka pwede naman ng inside/ nude shots ng welder mo, if the warranty won't be voided 🙂 Thanks

 
Posted : 20/09/2016 1:47 pm
Page 1 / 2
Share: