Forum

Share:
Notifications
Clear all

Cutting plywood!

22 Posts
14 Users
0 Reactions
329 Views
JayL
 JayL
(@jayl)
Posts: 5426
Member
 

Re: Cutting plywood!

dati manual na lagari gamit ko, mas pantay pa ang cut.
nung nasira yung lagaring pang kahoy, gumamit ako ng pang bakal. mas malinis ang tabas mas mahirap.

ngayon parehong wala na yung mga manual na lagari ko, ng sisi ako nung kasagsagan ng blackout dahil walang magawa sa mga powertools, walang ma diy.. sad..

sa jigsaw, nakagamit ako ng cheap china made, na moblema ako sa talim walang mahanap na isang butas lang.. kaya bumili ng makita, kaso 1 speed lang nakuha ko. madalas pa may pagkatabingi cut.. lol

mas okay talaga classic manual na lagare.. lol

A lot of people still prefer manual wood cutting. May I suggest you try the Japanese Pull Saw naman. These cut on the pull stoke. Myself I now prefer these over the push cut saws.

Lots of brands and model to choose from depending on the material to cut and the type of cut desired.

Here are some from Shark Corporation

Millermatic 180 Autoset Mig Welder
Miller Spoolmate 100 Spool Gun
Victor Firepower 350 Oxy Ace Outfit
3M Speedglas 9002X AD Helmet
Makita LC1230 Dry Cut Saw
Ingersoll Rand Air Tools
Snap On Tools
Metabo Power Tools
Norseman Drill Cutting Tools
Bosch Power Tools
3M PPS

 
Posted : 21/07/2014 12:04 am
(@competer)
Posts: 24
Eminent Member
 

Re: Cutting plywood!

^ sir magkano average na presyo nyan in peso?
mag iinvest ako sa next payday.. 🙂

 
Posted : 22/07/2014 11:15 pm
Joel
 Joel
(@joel)
Posts: 49
Eminent Member
 

Re: Cutting plywood!

Galing nyo sir jay ah.. kinulam agad hehehehe

 
Posted : 02/08/2014 1:27 pm
Armand
(@armand)
Posts: 837
Prominent Member
 

Re: Cutting plywood!

Tamang tama kakatapos ko lang mag tabas ng marine plywood using my circular saw..walang dedicated tracksaw kaya plywood din ang gamit kong guide..naka clamp lang ang dalawang dulo ng guide sa plywood..ingat lang sa pag tulak ng CS lalo na sa bandang gitna ng plywood at baka naitutulak muna ang guide papasok na dahilan para tumabingi ang tabas. Minsan kung di maselan ay pwedeng ipako ang bandang gitna ng guide sa plywood para di gumalaw...or pwede habang tinutulak ng isang kamay mo ang CS..yung isang kamay mo naman ay naka dagan sa guide..dahan dahan lang para sa perfect cut. may pasobrang konte sa sukat para sa manual na katam para smooth and edges..still practice makes perfect.

.

 
Posted : 03/08/2014 5:14 pm
(@ecm14m)
Posts: 12
Active Member
 

Re: Cutting plywood!

karagdagang kaalaman na naman yan sir Armand. Minsan talaga nangyayari yan.

 
Posted : 03/08/2014 5:37 pm
Armand
(@armand)
Posts: 837
Prominent Member
 

Re: Cutting plywood!

karagdagang kaalaman na naman yan sir Armand. Minsan talaga nangyayari yan.

@ecm14m: forgot to add, yung good side ng plywood is nasa ilalim..nasa ibabaw naman yung side ng plywood na plano mong nasa loob ng cabinet para makinis ang cut dun sa harap. Baliktad ito sa process ng manual na lagare, na kelangan ay nasa ibabaw ang good side. It has something to do with the blade's spinning direction.

 
Posted : 03/08/2014 5:55 pm
(@jestag2)
Posts: 8
Active Member
 

Re: Cutting plywood!

Suggest lang po ng tip sa paglagari ng plywood. Whether manual or power saw ang plano po ninyo na gamitin pang-lagare, use a fine cut blade kung dapat na pino ang kanto ng tabas o walang splinters.

Kung gagamit naman po ng power saws, mas maganda na gamitin yung may speed adjustment and use the fastest speed possible para mas pino talaga ang tabas.

 
Posted : 07/08/2014 11:51 am
Page 2 / 2
Share: