Forum

need help how to fi...
 
Share:
Notifications
Clear all

need help how to finish

5 Posts
4 Users
0 Reactions
73 Views
(@rambusram)
Posts: 3
New Member
Topic starter
 

Good Day!

1st project ko po paggawa ng furniture, (computer technician po kasi ako at mukhang mahihilig sa woodworking). Nakapangako po kasi ko sa nanay ko na igagawa ko siya ng tv stand na divider, kala ko mura lang, magastos pala 😀

Tapos na sana yung project kaya lang di ko po alam kung paano tatapusin, anu po kaya magandang finish nito? Gusto ko sana yung parang natural na kahoy lang ang finish.. sana po matulungan nyo ko.. wala kasi ko idea sa staining.. youtube lang ako tumitingin.. hehehe...

edit:
all 3/4 marine plywood nga po pala ginamit ko., kulang 3pcs din... tapos tom kabit ko yung 1/4 ply na likod

:chicken:

 
Posted : 08/07/2014 7:47 pm
Joel
 Joel
(@joel)
Posts: 49
Eminent Member
 

Re: need help how to finish

Magandang question to.. Gusto ko din malaman paano. hehehe

 
Posted : 10/07/2014 9:49 am
VivaFoxpro
(@vivafoxpro)
Posts: 108
Estimable Member
 

Re: need help how to finish

Good Day!

1st project ko po paggawa ng furniture, (computer technician po kasi ako at mukhang mahihilig sa woodworking). Nakapangako po kasi ko sa nanay ko na igagawa ko siya ng tv stand na divider, kala ko mura lang, magastos pala 😀

Tapos na sana yung project kaya lang di ko po alam kung paano tatapusin, anu po kaya magandang finish nito? Gusto ko sana yung parang natural na kahoy lang ang finish.. sana po matulungan nyo ko.. wala kasi ko idea sa staining.. youtube lang ako tumitingin.. hehehe...

edit:
all 3/4 marine plywood nga po pala ginamit ko., kulang 3pcs din... tapos tom kabit ko yung 1/4 ply na likod

:chicken:

Eto suggestion ko:

Practice ka muna sa pinagtabasan. Take note na kung ginamitan mo ng wood glue yung mga joints, iba ang epekto ng stain.

Sandpaper muna hanggang satisfied ka na sa kinis nya.

Sa Ace Hardware meron sila Ace branded na wood stain. I prefer dark color kaya I used Walnut. Medyo mas naitatago yung imperfections.

Once satisfied with the color, mga 3 coats of wood varnish. I use the matte kind na di masyado makintab pero will provide protection. Pag makintab, magiging halata yung errors.

Just remember, the divider is not the center of attention. Yung mga picture frames at yung 40" flat screen na nakapatong ang dapat center of attention.

Suggest ko lang na use long strokes when applying the stain and varnish. Like how the fibers of the wood flows.

I used this technique sa wood stairs namin. Sa computer desk ko naman, I just used the wood textured vinyl sticker. I also used the dark colored one kasi yung light colors masyado halata na fake.

I do not use paint kasi hindi ako marunong magmasilya. Search ka lang sa forum baka meron guide sa wood painting.

Just...[COLOR="Red"]DRILL IT!

 
Posted : 11/07/2014 12:12 am
(@balarila)
Posts: 1368
Noble Member
 

Re: need help how to finish

In addition to VivaFoxpro's suggestions:

Did you use nails or purely glue? Of nails, drive them in deeper than the plywood's surface by using another, bigger, nail. There is also a Stanley tool you can buy for this.

Then, masilya (fill in) to cover the nail head. I like using Timbermate. It's available in larger Wilcons, waterbased, many colors, sandable, and stainable. On open-grain wood/plywood, I like thinning Timbermate with water so it's like wet putik and apply on entire surface then sand.

The Ace suggestion is good. There are also other good brands at True Value. Best to go for the same brand of stain and varnish for compatibility.

BTW, did you edge-band those plywood edges? Exposed plywood edges, for me, turn out ugly when stained.

 
Posted : 11/07/2014 4:56 am
(@rambusram)
Posts: 3
New Member
Topic starter
 

Re: need help how to finish

Many thanks sir Viva sa magandang suggestion... oonga po natauhan ako sa sinabi nyo, gusto ko kasi maging center of attraction yung divider kasi 1st time ko gumawa, pero tama kayo, yung nakalagay ang dapat mangibabaw 😀

@ sir balarila
nails gamit ko sir, sige po gawin ko suggestion nyo, may nabili ko dati na fulatite eh, pede na po kaya yun? bout naman po sa edgeband, ang dami ko na pong naikot na malls(sm fairview,cubao, saka diy stores), puro hindi po nila alam yung edgeband, may iba po bang term dun? or may alam po ba kayo kung san nabibili yun? medyo alanganin po kasi, place ko eh, bulacan pa po kasi ko...

 
Posted : 13/07/2014 9:48 pm
Share: