Forum

Office Table/Cabine...
 
Share:
Notifications
Clear all

Office Table/Cabinet

16 Posts
5 Users
0 Reactions
130 Views
 nick
(@nick)
Posts: 200
Estimable Member
Topic starter
 

Just want to share...

Table top

Cabinet Door stained with Boysen dark oak wood stain... masyadong madilaw...

Kaya pinatungan ko ng Mahogany na wood stain

eto procedure ko...
heavy sanding from 120 to 240 to 400
first coat of boysen sanding sealer
light sand with 400
wood stain dark oak
after it dries, wood stain mahogany
then sanding sealer ulit
light sand with 400
the top coat laquer clear coat.

 
Posted : 18/11/2014 8:17 pm
Armand
(@armand)
Posts: 837
Prominent Member
 

Re: Office Table/Cabinet

eto procedure ko...
heavy sanding from 120 to 240 to 400
first coat of boysen sanding sealer
light sand with 400
wood stain dark oak
after it dries, wood stain mahogany
then sanding sealer ulit
light sand with 400
the top coat laquer clear coat.

yuuuunn..nice plywood project and nice finish..

pag aralan mo next time applying wood filler para almost mirror finish pa. Try Boysen Alkyd oil base wood filler thinned with paint thinner, apply after sanding sealer then sand then woodstain.

 
Posted : 18/11/2014 10:52 pm
 nick
(@nick)
Posts: 200
Estimable Member
Topic starter
 

Re: Office Table/Cabinet

yuuuunn..nice plywood project and nice finish..

pag aralan mo next time applying wood filler para almost mirror finish pa. Try Boysen Alkyd oil base wood filler thinned with paint thinner, apply after sanding sealer then sand then woodstain.

Thanks sir armand for the tips... i'm really learning a lot from your tips and advice.

 
Posted : 20/11/2014 1:28 pm
 nick
(@nick)
Posts: 200
Estimable Member
Topic starter
 

Re: Office Table/Cabinet

Ready for delivery 🙂

Matanong ko lang... Labor cost ko nito para sa dalawang unit ng table/cabinet ay Php 2000... lugi ba ako? Pinagawa lang kasi sakin to ng kuya ko para sa opisina nila.

 
Posted : 20/11/2014 1:32 pm
 nick
(@nick)
Posts: 200
Estimable Member
Topic starter
 

Re: Office Table/Cabinet

Isa pa pala....

comment on laquer sanding sealer and Laquer CLear Gloss ... for me the best brand is Boysen... Ang clear gloss nila ay tunay talagang glossy kahit na medyo mahal 🙂
Mey nagamit kasi akong ibang brand hindi naman nagiging glossy ang finish or mali yata ang binigay sakin nung tindero sa paint shop.

 
Posted : 20/11/2014 1:48 pm
Armand
(@armand)
Posts: 837
Prominent Member
 

Re: Office Table/Cabinet

Matanong ko lang... Labor cost ko nito para sa dalawang unit ng table/cabinet ay Php 2000... lugi ba ako? Pinagawa lang kasi sakin to ng kuya ko para sa opisina nila.

Kulang sa detalye ang tanong mo eh..ilang araw mo ginawa.
Kung sa kwenta mo eh lalabas na 500 pesos isang araw mo ibawas mo pa yung nakunsumo mo sa kuryente then ikumpara mo sa minimum wager na income.

Kung mas mababa sa minimum de lugi ka..kung sakaling 2 days mo lang ginawa yan mas ok. Ikaw lang talaga makakaalam kung ok sayo ang labos cost mo.

 
Posted : 22/11/2014 11:09 pm
(@joey81)
Posts: 1098
Member
 

Re: Office Table/Cabinet

If I may add, minimum wage is for unskilled labor. You are highly skilled in cabinet-making so may malaki dapat.
Posted via PHM Mobile

 
Posted : 23/11/2014 8:24 am
(@jeavons)
Posts: 23
Eminent Member
 

Re: Office Table/Cabinet

eto paps. galing din kay guru Armand ang finishing techniques. hehe. thanks sir Armand.

 
Posted : 24/11/2014 10:26 am
Armand
(@armand)
Posts: 837
Prominent Member
 

Re: Office Table/Cabinet

eto paps. galing din kay guru Armand ang finishing techniques. hehe. thanks sir Armand.

Ganda Jeavons, ginamitan mo ba ng wood filler? Sayang ang tipid mo sa pictures..

 
Posted : 24/11/2014 9:59 pm
(@jeavons)
Posts: 23
Eminent Member
 

Re: Office Table/Cabinet

sige boss Armand attach ko yung ibang pics. hindi ko pa kuha masyado yung finishing na may putty. parang nagiging mantsa mantsa yung putty pag napapatungan ng stain. mag eexperiment sana ako icocompare ko yung nasa ilalim ng putty ang stain and vice versa. nandito na rin lang naman itatanong ko na sir. hehe. dapat ba unahin yung stain? then putty on top. water based pa rin gamit ko sir. thanks.

Attached files

 
Posted : 25/11/2014 1:18 pm
Armand
(@armand)
Posts: 837
Prominent Member
 

Re: Office Table/Cabinet

Ang alam ko maski waterbased putty ay pwede lagyan ng stain. i seldom use waterbased kasi so limited ang experience ko or malamang inayawan ko na din to noon kaya I stayed sa Boysen Alkyd Oil based na filler.

Remember oil and water don't mix (tubig at langis idarang man sa init di rin tatamis), try mo bumili ng Elmer's Wood putty na may kulay na, nakita ko na ito lately sa Robinson's handyman.

Or bili ka ng jobos, kulay brown then mag mix ka ng konte with your waterbased putty.

Una lagi ang filler or putty sa stain.

 
Posted : 25/11/2014 4:32 pm
 nick
(@nick)
Posts: 200
Estimable Member
Topic starter
 

Re: Office Table/Cabinet

sige boss Armand attach ko yung ibang pics. hindi ko pa kuha masyado yung finishing na may putty. parang nagiging mantsa mantsa yung putty pag napapatungan ng stain. mag eexperiment sana ako icocompare ko yung nasa ilalim ng putty ang stain and vice versa. nandito na rin lang naman itatanong ko na sir. hehe. dapat ba unahin yung stain? then putty on top. water based pa rin gamit ko sir. thanks.

just want to share...
ang naencounter kong problema sa pag aapply ng putty ay kung hindi masyadong flat ang surface ng pagmamasilyahan... syempre kapag kumapal ang putty matatakpan ang wood grains, kapag nag apply ka ng wood stain na light colored nagmumukhang mantsa (sabi nga ni jeavons) kaya panget ang kinakalabasan ng finish... ang solusyon ko naman ay gumamit ng dark colored wood stain para matakpan yung mantsang gawa ng putty.

 
Posted : 26/11/2014 8:14 am
 nick
(@nick)
Posts: 200
Estimable Member
Topic starter
 

Re: Office Table/Cabinet

isa pa palang solusyon ay gumamit ng magandang klaseng plywood... (tulad ng "santa clara na plywood" or "tuffply" na hindi available samin) meron sa local hardware namin agusan brand na marine playwood, maganda kaya tong plywood na to?

 
Posted : 26/11/2014 8:19 am
(@jeavons)
Posts: 23
Eminent Member
 

Re: Office Table/Cabinet

thanks sir nick. darker stains na gagamitin ko. yung available dito sa min na brand ay marine forrest. kailangan talaga ng puspusang masilya. hehe.

 
Posted : 02/12/2014 1:12 pm
(@ronsibo)
Posts: 12
Active Member
 

bm lang muna mga bossing for future ref:)

 
Posted : 31/01/2015 6:51 pm
Page 1 / 2
Share: