Forum

Share:
Notifications
Clear all

Katam na kahoy / wood plane

8 Posts
5 Users
0 Reactions
334 Views
(@haribon)
Posts: 5
Active Member
Topic starter
 

Hello po sa lahat.

Isa po akong newbie in this community and in carpentry.

Would like to know kung saan po ako makabibili ng murang katam na kahoy. Locally-made preferred.

Marami pong salamat.

 
Posted : 21/08/2014 8:31 pm
violaine
(@violaine)
Posts: 1926
Noble Member
 

Re: Katam na kahoy / wood plane

sa may bandang cubao near Bataan transit station...there is a store selling these stuff.

hth

The devil will find work for idle hands to do.-Morrissey

 
Posted : 22/08/2014 12:10 am
archie013
(@archie013)
Posts: 129
Estimable Member
 

Re: Katam na kahoy / wood plane

Meron ako nakita sa mga china china na stores sa tabi tabi... parang 120 pesos.. pero mukhang di matibay... sa raon nagkalat.. 😀

FOR DIY Projects, tips and tricks, please visit [COLOR="Red"]http://yesyoucanarchie.blogspot.com/

 
Posted : 22/08/2014 1:06 am
Armand
(@armand)
Posts: 837
Prominent Member
 

Re: Katam na kahoy / wood plane

Meron ako nakita mas magandang quality mukhang Mujinfang nakabalot pa ng plastic sa groundfloor ng New Chinatown Mall sa tabi ng 168..mga p350 yata ang presyo.

 
Posted : 22/08/2014 9:33 am
(@haribon)
Posts: 5
Active Member
Topic starter
 

Re: Katam na kahoy / wood plane

Thanks for your replies.

Magandang araw po sa lahat.

 
Posted : 22/08/2014 10:06 am
(@haribon)
Posts: 5
Active Member
Topic starter
 

Re: Katam na kahoy / wood plane

Just an update.

Went to EDSA Cubao yesterday (where most bus stations are; area na malapit na sa Aurora Blvd.) May mga binebentang katam na kahoy pero no good quality. Parang makapal na yero lang ang talim.

Wala po bang probinsiya na sadyang gumagawa ng good quality katam na kahoy? Kung baga sa balisong, sikat ang Batangas, sa katam na kahoy meron po ba? Have a friend from Quezon, sabi niya they don't normally buy but make their own katam, kasama pati talim. Or meron po bang nabibilhan ng used katam and other woodworking tools. Just asking. Thanks again.

 
Posted : 23/08/2014 10:48 am
(@willyfernando)
Posts: 799
Prominent Member
 

Re: Katam na kahoy / wood plane

Yung mga nagsisimula palang magkatam matiyaga paubrahin ang mga nabibiling katam gaya ng sinabi mo sa cubao. Yung talim pinapalitan yan ng hack saw blade gaya ng Blumol or sandvik na malapad at pinuputol lang sa sukat na kailangan o gusto mong haba. Yung iba ay matyagang gumagawa ng sariling katam yari sa Molave o kahit anong punong kahoy na matigas pero di madali mabiyak or bumaluktot at ang talim na ginagamit ay yong mga talim na sadyang sukat para sa mga original brand gaya ng Stanley. Mga 100-150 ang halaga ng talim na ito. May mga design ng pag gawa ng katam yari sa kahoy sa internet gaya ng mga Japanese hand plane na bukod sa maganda ay sadyang pinag aralan ng mabuti ang desinyo. Duon ay baka makatiyempo karin ng impormasyon kung paano ikondisyon ang talim mo o kung paano ang pag suboh (iniinitan ang talim para tumibay ng bahagya higit sa karaniwang tigas ng pagkakagawa ng bakal ng talim mo). Sa aming shop ay puro mga katam na gawa sa kahoy ang gamit ng mga tauhan ko kahit binigyan ko sila ng mga mamahalin at magandang katam na branded. Mas gusto nila ang ginawang katam sa kahoy dahil match ito o husto sa gaang at haba na gamay nila. Pag tagal ay makakagaangan mo rin ang disenyo na babagay sa iyo at ikaw mismo ang mag a-adjust ng specification. 😀

 
Posted : 24/08/2014 9:10 am
(@haribon)
Posts: 5
Active Member
Topic starter
 

Re: Katam na kahoy / wood plane

Thanks, Mr. Willy.

Still looking for a hand plane na kahoy. Standard ang talim tulad ng nasabi niyo and affordable (hindi kamahalan). Mga 7 inches ang haba. Pang-beginner and for small pieces.

Again, salamat po.

 
Posted : 24/08/2014 11:04 am
Share: